LWTI 25

983 36 1
                                    

Reanna POV

"Kasi hhhmmm........

May...

Gusto...

Ako...

Agsdghjkl"

Napatakip naman ako ng tenga kasi naman bigla na lang lumakas ang volume ng tv, grabe ang bingi lang nila.

"Hoy bingi ba kayo hah!!" Sigaw ko at inalis na ang kamay ko sa tenga ko, hindi na kasi masyadong malakas, dahil hininahan nila yun.

"Sorry!!" Sigaw naman nila, napailing na lang ako at tumingin ulit kay sung kyu, nakangiti na ito, grabe ang weird naman niya.

"Ano kasi ahhmmn, wala yun, may naisip lang ako" sabi niya sakin at tumayo na, napailing na lang ako at napatingin sa likod niya.

"Ang weird talaga niya ngayon" tumayo na ako at nag punta sa sala at nandun lahat ang infinite at nag vivideoke sila, umupo naman ako sa tabi ni hoya.

"Ako naman kakanta" sabi ni dongwoo at pilit na inaagaw ang mic kay woohyun, itinaas naman iyon ni woohyun at ayaw talagang ibigay iyon kay dongwoo.

"Hindi!!, hindi ka pwede" sabi ni woohyun sa kanya, inabot naman sakin ni woohyun yung mic, nagulat naman ako at hindi makapaniwala na ako talaga ng kakanta.

"Hah... wag na hindi kasi ako marunong kumanta eh" sabi ko sa kanila, pero parang wala naman siyang narinig at hindi parin inalis sa tapat ko ng mic.

"Gusto ko ikaw ang kumanta" sabi niya sakin, kinuha ko naman yung mic at tumayo para pumili ng kanya.

Napangiti na lang ako kasi may kanta na out of my league dun, agad ko naman iyon ipindot at nag play naman iyon, mag sisimula na sana ako dumating si manager.

"Mukhang nag kakasiyahan kayo hah" sabi ni manager samin at umupo sa tabi ni sung kyu, ano naman kaya ang kailangan ni manager at nandito siya, wala kasi ngayong shed ang infinite dahil nag papahinga na sila kasi malapit na lang ang comeback nila.

"Wow, out of my league" sabi niya at hinablot sakin ang mic, ang bastos naman talaga ng manager na toh, umupo na lang ako ulit sa tabi ni hoya.

"Anong problema ni manager?" tanong ko kaya hoya, napatingin naman siya sakin.

"Brokenhearted siya" sabi niya lang, tumango na lang ako sa sinabi niya, napatakip naman ako ng tenga kasi ang sakit sa tenga ang boses ni manager, pasigaw sigaw siya at wala na rin kasi sa tono ang pag kanta niya. halata nga na broken hearted siya.

"Tama na yan manager alam ko na galit ka ngayon sa mundo mo pero wag mo naman ng tuluyan sirain ang mundo" sabi ni dongwoo, maloko talaga ang lalaking toh, tignan mo nga broken hearted yun tao gaganyanin pa.

"Wala na akong paki dun" sabi ni manager at nag patuloy sa pag kanta, tumayo na ako at nag punta na sa taas.

--

"Reanna bilisan mo na diyan" napailing na lang ako at kinuha na ang bag ko, ngayon ko na napatunayan na baliw na talaga ng mga lalaking toh kasi naman bigla na lang siyang nag yaya na mag punta ng boracay, hindi pa naman ako nakapag ready ng kahit sunblack lang.

"Oo na ito na oh" sabi ko at bumaba na, buti na lang pala hindi ko pa natapon ang mga bikini ko kung hindi wala akong gagamitin.

"Bat ang tagal mo" sabi ni hoya sakin, sinimagutan ko siya, sila tong hindi nag sasabi na pupunta pala kami ng boracay tapos ako ba ang sisihin nila na mabagal ako, hello sabi ko nga na hindi ako ready.

"Kayo kasi hindi ninyo ako sinasabihan eh, sana nakapag ready ako" sabi ko sa kanila at nag walk out, nag punta ako sa van at agad na pumasok, nasa pinaka likod ako.

"Grabe ang OA mo naman" sabi ni dong woo, wow hah nag sabi ng hindi OA, sipain ko tong lalaking toh eh.

"Hoy mas OA ka pa sakin" sabi ko sa kanya, napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. I roll my eyes, ang sarap talagang kausap ng lalakin toh.

"Ako ba ang tinatawag mong OA?" tanong niya sakin. Tingin niya sino pa ba ang OA dito eh kami lang dalawa ang nasa lood ng van.

"Hindi siya" sarkastiko kong sabi sa kanya at tinuro ang tabi niya, sakto naman na pumasok si sungjong, nanlaki naman ang mata ni dongwoo.

"Ikaw ang OA" sabi niya, ang bobo talaga ng lalaking toh, masisiraan na ata ako ng ulo sa kanya eh.

"Jong sabi ikaw daw ang pinaka OA dito" sabi ni dongwoo, napa iling na lang si sungjong sigurado alam na niya na ang totoong OA sa kanilang dalawa.

"Ang bobo mo talaga, malamang ikaw ang OA" sabi ko kay dongwoo, napakamot na lang siya ng batok at umupo sa tabi ni sungjong.

"Excited na talaga ako" sabi ni sung kyu kapasok ng van, napatingin naman siya sakin, ngumiti naman ako sa kanya, pero umiwas naman siya ng tingin. anong problema niya?.

"Kyu, dito ka na lang sa tabi ko" sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya at umupo sa likod nila dongwoo, ano ba talaga ang problema niya?.

"Nadala ninyo na ba lahat ang mga gamit" sabi ni hoya, wala naman sumagot sa kanya, kawawa naman siya walang sumagot sa kanya, iiyak na yan.

"Ang sarap ninyo talagang kausap" sabi ni hoya at padabong na umupo sa kabilang side. pumasok na rin si woohyun at L, umupo naman si woohyun sa tabi ni hoya, napatingin naman ako sa vacan sit sa tabi ko, seryoso talagang siya ang makakatabi ko.

Umupo naman siya sa tabi ko, napaiwas naman ako ng tingin, bakit siya pa ang nakatabi ko, bigla tuloy akong hindi mapakali sa kinauupuan ko, sh*t bakit ganito ang pakiramdam ko.

Napatingin naman ako sa kanya, naka headphone kasi siya, nagulat na ang ako ng tumingin din siya sakin, napakunot naman ang noo niya ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"What are you looking at me?" tanong niya sakin, umiling na lang ako at agad na umiwas ng tingin, grabe ang awkward sa pagitan namin, nakatingin lang ako sa bintana, kesa naman sa tumingin kay L eh wala naman maganda sa kanya.

--

A/N: dahil sinipag ako inupdate ko toh sa sabado mas mahaba na ang update

Living with the infinite #wattys2016Where stories live. Discover now