LWTI 36

921 40 3
                                    

Reanna POV

May naaaninag naman akong tao na tumatakbo papunta sa direksyon ko, at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Saan ka ba galing?, alam mo ba na kanina ka pa namin hinahanap, bigla bigla ka na lang nawala sa mall" sabi ni myungsoo at nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko, at parang napapaos na siya sa pag sasalita niya.

Nag umpisa ring yumugyog ang balikat niya, umiiyak ba siya?, hinawakan ko ang likod niya, at hinagod yun.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo, alam mo ba na sobra akong nag alala kasi kasama na lang kita tapos mawawala ka pa" napangiti na lang ako sa sinabi niya, may ganitong side pala si myungsoo akala ko, hindi siya ganitong tao.

"May panuntahan lang ako, hindi ko nga inexpect na mag tatagal ako dun eh, kaya sorry na hah?" Umalis na siya sa mag kakayakap namin at pinunasan niya ang luha niya, para naman siyang bata.

"Sa susunod mag paalam ka muna bago ka umalis, ah" ngumiti naman ako at tumango, nag umpisa na kaming mag lakad, napatingin naman ako sa kamay namin, hawak parin niya kami, pilit ko naman inaalis yun pero hinagpitan pa niya lalo ang hawak.

"Let me hold you, baka kasi mawala ka nanaman bigla eh" tumango na lang ako, at nag lakad na kami papunta ng bahay.

--

Huminga na ako sa kama ko, christmas eve na bukas, ready na ang lahat, tumayo ako saka nag punta sa kusina, at nakita ko dun si myungsoo, kaya naman lumapit ako sa kanya, may hawak siyang picture, kaya naman mas lumapit para makita ko kung sino ang nasa picture.

Napalingon naman siya sakin, ngumiti siya, alam ninyo parang pamilyar sakin yung pic, parang kilala ko siya.

"Sino yang nasa pic?" Tanong ko sa kanya, napatingin naman siya dun at hinaplos ang picture.

"This is my mom" at inilapit ang picture, nagulat ako kung sino yun, hindi ako pwedeng mag kamali, siya yun, bat hindi ko naisip yung kwento niya sakin kainis naman oh.

"Gusto mo ba talaga siyang makita?" Tanong ko sa kanya, ngumiti siya at tumango, mas nagulat ako ng tumulo ng luha niya, hinarap ko ang mukha niya saka ngumiti.

"Ganito, mag bilang tayo ng 3 second, at humiling sa kay God kasi sigurado ako na tutuparin niya ang wish mo" kasi nahanap ko na siya, kaya thank you kay God kasi ako ang ginawa niyang instrument para mag kita ulit ang dalawang taong nangungulila sa isa' t isa.

"1.... 2....... 3......" Kabilang niya ng tatlo pinunasan ko ang luha niya, at ngumiti habang binubuksan niya ang mata niya.

"Sigurado ako ibibigay niya sayo yun kasi mabait siya" tumango naman siya sakin.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin, ang bilis talaga ng tibok ng puso ko ngayon at feeling ko huminto ang oras at ang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Thank you kasi pinalakas mo ang loob ko, at thank you kasi lagi kang nandito kapag 11: 11 ng gabi" inalis na niya ang pag kakayakap sakin.

--
Nagising ako ng maaga para mag luto, may photoshoot kasi ang infinite ngayon at tapos may guesting pa sila sa isang show, tapos may practice pa sila kasi comeback na nila next week at irerelease na nila ang music video nila sa youtube.

"Oh kain na kayo nag sabi raw ni manager full pack ang sched ninyo kaya mag ready na kayo, kasi maaga ang photoshop ninyo" umupo na sila at nag umpisa na nga silang kumain.

"Mukhang masarap ang niluto mo ngayon" sabi ni dongwoo at nagulat na lang ako ng yumakap siya sa likod ko, automatic naman na nag react ang katawa ko at bigla ko na lang siyang siniko sa tiyan niya.

"Arrggghhh!!! AHH!" sinamaan ko naman siya ng tingin ayoko kasi yung bigla bigla na lang akong niyayakap sa likod, automatic na masisiko ko siya, feeling ko kasi manyak ang yumakap sakin.

"Hahaha, bagay sayo!" tawa nila, kaya naman natawa na lang din ako, katapos kong mag luto nag punta na ako sa taas at kinuha sa dressing roon nila ang mga kakailanganin niyang damit.

Katapos nun nag punta na ako sa kwarto ko para maligo, kumain na kasi ako eh.

--
"Oo nga pala daan muna tayo sa mall pls!" Sabi ni hoya, tumango naman kami at nag punta na dun, sana naman nandun din siya.

"Hindi na pala pwede kasi malelate kayo sa guesting ninyo" sabi ni manager, kaya naman napasimangot ng wala sa oras si hoya at ako rin.

Ilang oras din ang beyahe, kaya nakatulog ako, pero kagising ko katabi ko na pala si myungsoo.

"Sorry nakatulog ako" sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya at tumango, alam ninyo bagay kay myungsoo ang nakangiti kasi ang cute niya kapag ganun tapos gwapo siya kapag serious face.

--

"Guys kaya ninyo yan, nandito lang kami ni manager para ipag cheer kayo at kung kinakabahan kayo tumingin lang kayo dito" sabi ko sa kanila, halata kasi sa mga mata nila na kinakabahan sila, ang totoo begginer palang ang infinite pero kahit na ganun sikat na sikat parin sila, ngayon pa lang kasi sila mag sasayaw ng maraming tao.

"Group hug naman diyan oh" sabi sungyeol, kaya naman nag group hug kami.

"Infinite fight... Ahahah" nag lakad na sila paunta ng stage, kaya naman nag punta na kami sa harap ng stage para kapag kinakabahan sila makikita nila kami.

"Infinite!!!" Ang dami talaga nilang fan at lahat sila nag cheheer sa infinite, nag simula na ang music kaya naman nag hiyawan na ang mga fans nila.

Grabe ang masasabi ko lang wow kasi ang galing nila, pero napapansin ko na habang sumasayaw sila nakatingin sila sakin at parang ako lang ang taong sinasayawan nila.

"Grabe nakatingin sakin ang infinite oh" bulong ng nasa likod ko, wag silang feeling sakin sila nakatingin at hindi sa kanila, ngumiti na lang ako at nag thumbs up sa kanila, kaya naman ngumiti sila.

"Grabe ngumiti sila sakin" sabi ulit ng nasa likod ko.

Katapos ng sayaw pinaupo na sila.

"So infinite, kamusta naman ang mag preprepare ninyo sa comeback ninyo?" Tanong nung host.

"Okay naman po, at tapos na po siya, linis na lang po ang kulang" sagot ni sungkyu.

"Ito straight question na toh, may gusto na ba kayo sa babae or hindi kaya ideal type sa babae?"

Living with the infinite #wattys2016Where stories live. Discover now