LWTI 42

844 42 2
                                    

Reanna POV

Masaya ako dahil sa pag tatanggol sakin ng infinite, hindi naman pala masama ang pag pasok nila sa school eh, kaya nag papasalamat ako sa kanila, napatingin naman ako kay L na natutulog sa tabi ko. Yun na lang ang problema sa kanila lagi silang natutulog sa klase pwera na lang kay sungkyu at woohyun.

Nakapalibot sakin ang infinite, nasa side ko si L tapos nasa harap ko si hoya tapos katabi ni hoya si dongwoo sa likod naman ni L ay si sungjong tapos sa likod ko ay si sungkyu. Sa likod naman ni sungkyu si sungyeol, tapos katabi naman ni sungyeol si woohyun. Gets ninyo ba, sorry kung hindi wala eh mahirap iexplain. Pero ang point dun nakapalibot sila sakin.

Dahan dahan ko naman inuga si L, bell na kasi ng lunch, kanina pa kasi sila natutulog, nag aalala nga ako kasi hindi sila kumain ng recess eh.

"hmmm" sabi niya lang, mas nilakasan ko pa ang pag uga sa kanya, at sa wakas naging na rin siya. Gising na ang lahat dahil ginising na rin ni sungkyu at woohyun ang iba pa.

"hay nakakagutom mag aral" sabi ni dongwoo, binatukan naman siya ni woohyun, haha, nag aral pala siya nun hah, ang alam ko natulog lang siya eh, tapos sasabihin niya iyan,sino ang tao hindi babatok sa kanya.

"nag aral pala eh mag hapon ka nga lang natulog eh" sabi ni woohyun, napabusangot naman si dongwoo, natawa naman ang infinite sa kaya, pumasok na kami ng canteen at lahat nakatingin samin. Hindi ko alam kung nakatingin din sila sakin, siguro nakatingin din sila sakin kasi sikat ako sa school na toh.

"grabe ang swerte naman ng kaibigan ni reanna oh, matalino na nga siya may barkada pa siyang artista"

"oo nga eh, sana naging mag kaibigan kami nun" natawa naman ako sa sinabi nila, grabe naman silang pumuri sakin, pero sabagay totoo naman ang sinasabi nila.

"si queen, may kasamang prinsipe" sabi ng iba, alam ninyo nakakatawa sila, masyado silang OA, queen talaga ang tawag sakin, grabe naman sila.

Umupo kami sa pinakadulo, mas malamig kasi dun dahil nakatutok kami sa air conditioner, alam ninyo naman ang aarte ng mga balat ng mga lalaking toh, kailangan daw matanali paring fresh ang mukha nila, at hindi mag mukhang haggard. Ang arte may nalalaman pang ganun eh.

"kami na ang mag oorder" sabi ni hoya at sungyeol, tumango naman kami, nag simula na silang mag punta sa counter.

"cr muna ako" sabi ko sa kanila, hindi ko na hinintay ang sagot nila at nag lakad na, ang totoo mag pupunta ako sa garden namiss ko kasi ang mga halaman dun eh, kamusta na kaya ang mga rose ko.

"hoy hija, ang tagal na kitang hindi nakikita ito buti at napadalaw ka?" sabi sakin nung janitor na nag aalaga ng mga halaman dito, napatingin naman ako sa ginagawa niya, nag didilig kasi siya eh.

"nandyan pa po ba ang mga rose na tinanim ko?" tanong ko sa kanya, gusto ko kasing makita kung ano na ang nangyari sa rose ko.

"hah ang gaganda nga nila ngayon, mukhang alam nila na darating ka kaya maganda ang usbong nila." Natuwa naman ako sa sinabi niya, na excite tuloy akong makita ang mga yun.

"talaga po" sabi ko, agad ko naman pinuntahan yung mga bulaklak at napangiti na lang ako, ang gaganda nga nila at mas lalo silang dumami, araw araw na akong dadalaw sa kanila simula ngayon. Miss na miss ko kaya sila ngayon.

"sige po kailangan ko na pong umalis baka hinahanap na nila ako" sabi ko kay aleng janitress. Baka kasi hinahanap na ako ng infinite eh, lumabas na ako ng garden, nagulat naman ako kung sino ang nakaabang sakin, walang iba kung hindi si brent.

"long time no see babe" sabi niya sakin at inabutan ako ng isang red rose, ano nanaman kaya ang kailangan ng lalaking toh sakin at nag pakita na naman siya sakin. hindi pa ba siya nadala sa pag suntok ko sa kanya.

"don't call me babe, as if naman may relasyon tayo" sabi ko sa kanya at nilagpasan lang siya, kahit kailan talaga ang hangin ng lalaking yun, hindi ba niya alam na hindi ko type ang mahangin na katulad niya.

"babe naman eh" sabi niya, hinawakan niya ang kaliwang braso ko, hinarap ko naman siya, ano naman kaya ang sasabihin ng lalaking toh sakin, kapag talaga ako naiinis susuntukin ko talaga ang mukha ng lalaking toh para makatulog siya ng wala sa oras.

"pwede ba, wag ka ng mag papakita sakin" sabi ko sa kanya, natawa naman siya sa sinabi ko, ano naman nakakatawa sa sinabi ko, simple lang naman ang sinabi ko na wag na siyang mag papakita sakin eh, tapos. joke ba ang sinabi ko hah, wala naman nakakatawa ah, nakakabwisit na hah.

"hindi pwede yun babe, mamatay ako kapag wala ka sa tabi ko" sabi niya sakin. natawa naman ako sa sinabi niya, siya ata ang nag jojoke eh. Seryoso ba siya, nakakadiri, nakakakilabot pa. arrghh nakakadiri siya.

"haha nag papatawa ka ba sa sinasabi mo?" tanong ko sa kanya, katapos nun tinalikuran ko na siya, bahala siya kailangan ko ng kumain dahil kumakalam na ang sikmura ko, wala na akong panahon sa mga joke niya, baka kasi suntokin ko na lang siya kapag hindi ako natawa eh.

"wait lang babe" sabi niya, hindi na ako sumagot at pumasok sa canteen, hinawakan niya ang kamay ko, na para bang nakikipag holing hands sakin, ang lalaking toh talaga naiinis na ako sa kanya, susuntokin ko na sana siya pero bigla na lang siya siyang nawala sa paningin ko. Nasaan na yun, napatingin naman ako sa sahig.

"diba nga ayaw niya sayo" sabi ni woohyun, napatingin naman ako sa likod ko at nandun pala ang infinite, nakatingin ng masama kay brent.

"ano ba ang problema ninyo hah?" mayabang na tanong ni brent at tumayo masama naman niyang tinigan ang infinite.

"wala lang, ginugulo mo lang naman ang princess namin eh" sabi ni hoya

xqn

Living with the infinite #wattys2016Where stories live. Discover now