LWTI 45

944 43 1
                                    

Reanna POV

"thank you talaga" sabi niya sakin at nagulat na lang ako ng hinalikan niya ako sa pisngi.

"Sungyeol" nag pipigil na sabi ko, bago ko pa siya masuntok nakatakbo na siya papuntang pinto, binato ko naman yung pillow pero nasara naman niya yun.

Pero napangiti naman ako sa ginawa niya, sweet naman pala siya eh, pero hindi ako kinikilig hah, wag kayong mag isip ng kahit ano.

Nag punta na ako ng banyo, alam ninyo naman para maligo ako alang alang naman para mag laro dun.

Pero ano naman ang susuotin ko mamaya, kainis ang lalaking yun bat hindi na lang kasi iba ang ginawa niyang girlfriend eh, marami naman ang nag hahabol sa kanya bat hindi talaga siya pumili sa kanila.

--
Kakatapos ko lang maligo at mag bihis, ano na kaya ang sosoutin ko mamaya, nagulat na lang ako ng bigla na lang bumyoas ang pinto. Sinamaan ko ng tingin si sungyeol, ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking toh.

"Bakit?" Masungit na tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya sakin. Kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Napatingin naman siya sakin mula ulo hanggang paa. Kaya naman napatakip ako ng katawan. Ang manyak talaga ng lalaking toh.

"Mukhang ready ka na kaya tara na" sabi niya sakin at hinila na naman ako, ang hilig mang hila ng lalaking lalaking toh, sa susunod isusubsub ko na siya sahig kapag ako nainis.

"Saan ba tayo pupunta?" sabi ko sa kanya, bat hindi kaya siya mag hinay hinay sa pag hila sakin, nasa hagdan po kasi kami,  kinalabahan nga ako baka mahulog ako ng wala sa oras dahil sa lalaking toh.

"Basta" sabi niya lang sakin, lumabas naman ng kusina si dongwoo, napakunot naman siya ng tingin ng makita kami.

"Yeol saan kayo pupunta?" Tanong niya pero dahil sa bastos si sungyeol hindi ito sinagot at tuloy tuloy lang ang lakad niya.

"Sakay" sabi niya sakin, wala naman akong nagawa kung hindi sumakay sa sasakyan niya. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan.

Bakit ba kasi nag mamadali ang lalaki toh. Kapag siya dinala lang ako sa isang boring na lugar tignan niya lang baka masapok ko siya ng wala sa oras.

"Bat ka kasi nag mamadali?" Tanong ko sa kanya, kapag siya hindi nag salita ng maayos tignan niya lang baka pumangit siya katapos namin dito.

"Anong susuotin mo mamaya kung hindi kita ibibili" sabi niya sakin, nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya, at least hindi ko na kailangan maproblema sa susuotin ko, okay din pala ang lalaking toh eh.

--

Ilang minuto lang nakarating na kami sa mall. May kinuha naman siya sa maliit na compartment niya at nakita ko yun, isang mask at isang cup.

"Mukha kang ewan" sabi ko sa kanya, sinamaan naman niya ako ng tingin, natawa naman ako sa kanya haha pikot eh ang sarap inisin.

Pumasok kasi ng mall pero nagulat na lang kami ng hinarangan ng mga guards si sungyeol, hala ayaw nila kaming papasukin dahil sa itsura niya. Hindi ko naman mapigilan hindi matawa. Ang epic eh hahah.

"Sir bawal po ang mask at cup dito" sabi ng isang guard, lumapit naman sa guard at ipinakita ang mukha niya. Nagulat naman ang mga guard.

"Sorry po sir" sabi ng mga guard, agad na nakong hinila ni sungyeol. Hay ang lalaking toh talaga ang hilig mang hila kapag ako nainis sisipain ko siya.

Bigla nga akong nahiya kasi para akong tanga na hila hila niya. Tapos nakatingin lahat sila sakin kainis na lalaki eh ang sarap basagin eh.

"Bilisan mo naman" sabi niya sakin, inalis ko naman ang kamay niya sakin, nakakainis na lasi siya eh, kaya nga gusto ko na siyang batukan eh.

"Pwede ba nakakainis ka na hila ka na lang ng hila" sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya ng batok. Naiinis na kasi ako, bat kasi kailangan niyang mag dali. Kapag ano napuno na talagang hindi na ako tutuloy.

"Sorry" sabi niya sakin, tinangoan ko na lang siya kaya naman nag umpisa na kaming mag lakad, nagulat naman ako ng hawakan na naman niya ang kamay ko.

"Wag kang mag alala hindi kita hihilahin" sabi niya sakin, bahala siya sa buhay nya ang gusto ko na nga matapos na toh para hindi na niya ako gugulohin.

Pumasok kami sa isang store, halatang mamahalin ng mga binebenta nila dahil sa mga design nila.

"Good morning, what can i do for you" bungad samin ng isang bakla, grabe ang baklang toh bigla bigla na lang sumusulpot kung saan saan.

"I need a formal dress for her" sabi sa kanya ni sungyeol, inikutan naman ako ng bakla bigla naman ang kinabahan, ano ba ang naman toh ang weird.

"Okay ako na ang bahala sa kanya" sabi nito at bigla bigla na ang akong hinila papunta sa isang fitting room. Kinuha niya yung isang black na gown. Napanganga na lang ako sa gown na yun kasi naman masyadong revealing eh.

"Iyan ang isusuot ko" hindi makapaniwala, ngumiti naman siya sakin ay tumango, napaatras naman ako. no way hindi isusuot ang damit na yan. Ngumisi naman siya sakin.

"Ayoko yan, hindi mo ako mapapasuot ng ganyan" sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko, pls lord iligtas ninyo ako sa bakalang abnormal na toh.

"Ahhhhh"
--
"Tapos na" sabi niya sakin, napatingin naman ako sa salamin, maganda naman siya. Butas ang bantang gilid pero dahil maganda ang curve ko mas mas naging sexy pa ang dating, hindi naman masyadong revealing kapag sinuot mo na, kita naman ang likod ko dahil backless siya.

"Grabe ang sexy mo" sabi niya sakin, tumango naman ako sa kanya dahan dahan naman siyang lumbas sa kurtina natawa naman ako ng marinig ko siyang kinakausap si sungyeol.

"Ang ganda pala ng girlfriend mo eh, ang sexy pa niya" napailing na lang ako sa sinabi niya. Ang baklang yun ang daming sinasabi.

"Yun sexy, ang bigat nga nun eh" napasimangot naman ako sa sinabi niya ang sama talaga ng lalaking toh.

"If you say so" sabi ni bakla at hinawi ang kurtina.

Napatayo naman si sungyeol

Living with the infinite #wattys2016Where stories live. Discover now