LWTI 32

874 35 0
                                    

Reanna POV

Kinakabahan kasi ako dun sa sinabi niya basta may feeling ako na hindi ko alam sa necklace na yan.

"Wait" sabi niya at tinignan ang leeg niya, pero nagulat na lang siya ng wala ang necklace sa leeg niya.

"Where is it?" Hindi makapaniwalang sabi niya at kinapa ang bulsa niya pero wala parin, grabe ang malas ko naman oh kung kailan makikita ko ang sinasabi niya necklace dun pa nawala.

"Hindi pwedeng mawala yun" sabi niya lang at tumayo para tignan yun napabuntong hininga na lang ako, ah saan kaya ang sinasabi niya necklace.

Sana naman mahanap na niya yun kasi mukhang mahalaga sa kanya yun eh, nag lakad naman siyang papuntang kwarto, at pumasok sa room niya.

Kinuha ko yung basong ginamit niya at inilagay sa sink, bukas ko na lang toh huhugasan baso lang naman siya.

Aakyat na ako kasi hindi na lumabas si L sa kwarto niya, napatingin naman ako sa turtle na hawak ko.

"Sayang hindi kita naibigay sa kanya" sabi ko at niyakap yun, sinara ko na ang pinto ko.

Hay that girl is really lucky to have L mabait naman kasi si L mas lalo na sa mga kakilala niya, sa umpisa labg siya nasungit pero kapag alam naman niya na mabait ka magiging mabait siya.

Mas mabait pa siya sa mabait, caring din siya, nanlaki naman ang mata ko, ano tong pinag sasabi ko, napailing na lang ako, totoo ba ang sinabi ko yun tungkol sa kanya.

Nababaliw na ata ako eh, hay siguro kailangan ko lang talagang Matulog para maialis ko sa isip ko yun.

--

Nagising ako dahil sa ingay, dito sa kwarto ko, nakita ko lang naman ang infinite na nag aaway sa kwarto ko, teka napamulat naman ako at totoo nga na nandito sila.

Ano kaya ang ginagawa nila sa kwarto ko, ang alam ko kasi nakalock ang kwarto ko but sila nandito.

"Hindi sakin siya sasama"- dongwoo, hindi ba nila ako napapansin, hoy gising na po ako.

"Ano ba ang pinag aawayan ninyo at Bakit dito pa kayo nag aayaw?" sabi ko naman sa kanila, napatingin naman sila sakin.

"Eh manahimik ka muna" napatakip naman ako ng bibig, sabi ko nga mananahimik na ako, nanonood lang ako kung paano sila mag away.

"Akin nga muna siya" sabi ni sungyeol, tumayo naman ako at dahan dahan na nag lakad para hindi nila at para hindi nila ako mapansin.

"SAAN KA PUPUNTA!!" galit na sabi nila habang nakatingin sakin, napa ngiti na lang ako ng awkward, ano ba talaga kasi ang pinag aawayan nila.

"Bakit ba kasi kayo nandito--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang akong hinila ng taong bumukas ng pinto, hala sino toh.

"L" hindi makapaniwalang sabi ko, hinila niya ulit ako pababa ng hagdan, ano ang gagawin niya sakin, alam ko naman na may galit siya sakin pero wag naman sanang ganito oh.

"SAAN MO SIYA DADALHIN?!!" sigaw naman ng infite samin, pero parang bingil lang abg lalaking toh dahil hindi man lang siya huminto.

"Pasok" sabi niya sakin, wala naman akong nagawa kung hindi ang pumasok, sumakay naman siya sa driver seat.

"Sa- saan tayo pupunta" nauutal na ako dahil sa kinakabahan talaga ako sa nangyayari eh.

"Sa langit kasama ka" nagulat naman ako sa sinabi niya seryoso ba siya sa sinasabi niya, pinaandar na niya ang sasakyan.

"Pls bumalik na tayo, ayoko pang mamatay" sabi ko sa kanya, naiiyak na nga ako eh dahil sa takot na takot na talaga ako.

"Sorry" sabi niya at hinto ang sasakyan, napatingin naman ako sa kanya, nakayuko lang siya.

"The truth kaya kita kinuha dahil pinag aayawan ka nila kanina, dahil dun nainis ako, para pareparehas na lang sila hindi kanila kasama hinila kita" sabi niya sakin, tumango naman ako kaya pala nandun sila sa kwarto ko, hay ang mga yun talaga oh.

"So saan niyan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, napangiti naman siya sakin at napakamot ng batok.

"Hindi ko rin alam eh" sabi niya, natawa naman ako, meron palang ganitong side si L akala ko kasi puro kasungitan lang ang alam niya.

"Ikaw saan mo bang gustong pumunta?" Tanong niya sakin, napaisip naman ako at naalala ko si papa, gusto ko siyang dalawin.

"Punta tayo sa papa ko" sabi ko lang sa kanya at sinabi kung saan yun.

--

Nilagay ko yung isang bouquet sa tabi ng puntod ni papa, saka umupo sa damuhan, umupo din naman si L sa tabi ko.

"Papa ito nga po pala si L, amo ko po siya, sorry nga po pala kung hindi na kita na dadalaw kasi po busy po ako sa trabaho" sabi ko, napatingin naman ako kay L nakangiti lang siya habang nakatingim sa puntod ni papa.

"At sana po wag kayong magalit kila berna (stepmother niya diba, but shortcut yan), Kahit na masama sila sakin okay lang dahil natuto naman akong tumayo sa sarili kong paa, at hindi umaasa sa pinundar mong company, wag kang mag alala babalik ako at kukunin ko ang pinag hirapan mo, at ikamusta mo pala ako kay mama hah" sabi ko, hindi ko na pala namalayan na tumatulo na ang mga luha ko, pinabayaan ko lang iyon.

"Buti pa kayo ni mama mag kasama na eh ako bat iniwan ninyo akong parehas, sana kasama ko na lang kayo, sana hay" napabuntong hininga na lang ako kahit na napatawad ko na sila masakit parin pala dito sa loob.

"Sana binabantayan ninyo ako sa taas, sana kilala ninyo parin ako, sana mahal ninyo parin ako kahit na naging rebelde ako, ayoko lang po kasing makasal kayo sa maling babae, pero ayoko naman po sabihin sa inyo ang tungkol sa anak niyang si wayne dahil alam ko na masasaktan lang kayo" natawa naman ako sa pinag sasabi ko, pero kahit na ganun, may luha parin tumutulo sa mata ko.

Ngayon ko palang kasi nasabi lahat ng hinanakit ko sa kanila, gusto ko lang mawala ang sakit ng dibdib ko, ang talaga na kasing nandito to eh kahit na masaya ako kung titignan ang totoo ang lungkot ko sa loob loob ko.

"Shhh" sabi niya at

To be continued....

Living with the infinite #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon