Chapter 40- Trust

368 10 0
                                    

*PAU POV*

"Mahal tara sayaw tayo?." Yayan saken ng aking hubby. Ang saya saya ko talaga ngayong gabi na to, akalako lahat to panaginip pero totoo pala. Lord sa inyo ko po ipagkakatiwala ang relasyon namin robie kasi kayo po ang nagbibigay ng pagsubok na to samin. Kaya lord thank you kasi hinayaan mo na bumalik siya ulit sa buhay ko sa buhay namin ng anak ko. "Wiffy!."

"Ah?. ano nga ulit yon hubby?." Tanong ko

"Hay! Lutang nanaman ang isip mo, sabi ko sayaw tayo." Sabi niya. tumango nalang ako. At dinala niya ako sa gitna. Sakto naman na sweet dance ang sinasayaw namin.

Ang mga gimme five pala lumayas na sila, kaya ngayon si trixia badtrip daw kasi hindi man lang niya daw nakasayaw si joaquin niya. Baliw kasi niya lakas mangarap, kinwento pa nga niya samin yung panaginip niya at sobrang dissapointed siya kasi yun na daw eh. Sweet na sila pero hanggang panaginip lang sila magkasama hahaha.

[NP: Now were together]

"Mwa!." Hala! Grabe tong lalaki na to nagnanakaw ng halik.

"Hubby ah! ang dami kaya tao oh!."

"Eh ikaw kasi kasama nga kita parang wala ka naman lutang isip mo." Hay lutang agad. Hehe sorry naman iniisip ko kasi si trixia eh, so siya nalang pala walang love life samin lahat, kung pwedeng sila nalang ni alex pero hindi pwede si alex ay para kay ica lang at wala ng iba. Kumusta na kaya si ica?."

"Hubby, kumusta na kaya si ica?. Alam mo miss ko na siya sobra."

"Lahat naman tayo wiffy miss na siya eh. Siguro okay lang siya diba base naman sa kwento mo matapang na tao si ica?. So tiyak ako na okay lang yon kay huwag mo na muna siya masyado isipin kasi gusto ko ako lang ang iisipin mo."

"Naku hubby! Kahit huwag mo na sabihin ikaw lang ang laman ng isipan ko palagi." Sabi ko at namula naman siya.

"Alam mo wiffy ikaw lang talaga ang nagpapakilig saken ng ganito. Nakakabading ka!." Sabi niya, sweet na pala yung sinabi kong yon. Wala ganyan talaga kapag maganda eh. "Pero okay lang na tawagin nila ako bading kasi ikaw naman dahilan kung bakit ako magiging bading eh." Banat niya.

This time ako naman ang namula. Nemen kese eh hahaha. Landi mo pau hoy! May anak kana niyan. Paano kaya kapag lumabas na ang baby namin noh? Siguro sobrang sobra saya ang mararamdaman ko kapag nangyari yon. Maiiba siguro yong feeling, magiging nanay na ako.

Grabe lang yung babae na puro libro lang hawak noon, man hater pa nga noon, ngayon magkaka-anak na pero no regrets kasi mahal ko ang baby ko at alam ko mahal din ako ng mapapangasawa ko. Magiging mabuti siyang ama at asawa samin ng anak ko. Pero iisipin mo kung dati tukso nila sakin na baka libro nalang ang makasama kong tumanda pero ngayon nauna pa ako magka-anak sakanila.

Iba pala talaga kapag umibig ka, lalo na kapag yung taong mahal mo naiibigay mo lahat lahat ng pagmamahal pero worth it naman yung pagmamahal na binigay ko kay robie kasi mahal din niya ako tulad ng pag mamahal na binigay ko sakanya.

"Hubby?." Tawag ko sakanya. Sumasayaw lang kami dalawa, sobra iba yung pakiramdam kapag siya sumasayaw talaga sakin eh. Kinikilig ako na nakukuryente ano daw? Hahaha

"Yes my wiffy?."

"Thank you hubby kasi bumalik ka ulit, sana huwag mo na akong iwan ah?." Sabi ko sakanya.

"Wiffy hindi naman kita iniwan at hindi kita iiwan kasi nandyan lang ako sa puso mo." Sabi niya sabay may dinampot sa bulsa ng pantalon niya. "Wiffy eto oh."

"Ah ano to?." Binigay niya saken yung kwentas na puso yung parang sa aldub?. Yung binigay ni alden kay yaya dub.

"Puso ko yan." Sabi niya "Yan ah, nasayo na puso ko hawak mo na, at yang puso ko eto lang laman niyan." Sabay bukas niya sa kwintas. Nakita ko yung picture namin dalawa, tapos yung kwintas may pangalan sa labas "You're my forever Queen". Aww sweet hindi ako ready dito hahahah. Nakakaiyak T_________________________________T.

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now