Chapter 60: Last Message For Mitch

500 11 1
                                    


"Omg! Walang wifi dito."


Yung boses na yon alam kung sakanya yon. napalingon ako sa nagsalita at siya nga. Siya ang nakita ko. hinawakan ko ang mukha niya. nandito ba talaga siya?. Sabi na eh panaginip lang ang mga nangyari kanina masamng panaginip na mabuti nalang nagising ako.


"Mitch?." –tumango lang siya.


"Oo mahal. Mahal madaming nagaalala sayo. Huwag ka nang malungkot mahal."


"Paano eh wala kana. Iniwan mo na ako. Paano ako hindi malulungkot."


"Paano ako mawawala. Eh ang dami dami nating pictures, ang dami kung picture. Magsasawa ka sa kakatingin sa mga yon. diba sabi ko sayo kailangan natin i-record yung mga moment ng buhay natin. Atsaka nandito pa naman ako diba?. Sa puso mo atsaka sa isip mo. paano mo ako makaklimutan."


Natahimik ako sa sinabi niya. so eto pala ang panaginip at totoong wala na siya. Natatakot akong dumilat kasi sa pagdilat ko alam kong hindi ko na siya makakasama, makaka-usap at mayayakap.


"Iba parin yon. hindi ko mahintindihan. Kung kukunin ka din naman sakit bakit pa niya tayo pinagmeet. Anong silbi nun! Akala natin maswerte tayo pero hindi naman pala. " –sabi ko sakanya.


Anong saysay nun! Kinuha din siya agad sakin. Hinawakan ni mitch ang kamay ko. huwag mo ng bibitawan mahal isama mo na ako.


"Kapag ba natapos agad ang isang bagay ibig sabihin hindi na mahalaga ang bagay na yon?. napasaya naman natin ang isa't isa. Nababago din natin ang isa't isa. Maswerte parin tayo mahal. Sobrang swerte. Dahil binigyan parin tayo ng chance para magmahalan. Hindi lahat ng tao meron ng kung anong meron tayo at ang saya saya ko nang makilala kita. Sobrang saya. Sana maging masaya ka din nakilala mo ako at sana ipagpatuloy mo ang buhay mo kung pano natin pinlano diba?. Dun. dun magkakasilbi ang pagkakakilala mo sakin."


Speechless. Kaya ko minahal ang tao na to eh sobrang bait at positive thinking.


"Syempre masaya din ako nakilala kita." –sabi ko sakanya


"Yun naman pala eh. Eh di huwag ka nang magmukmok dyan!. Magpromise ka." –parang ayoko ng mangako dahil lahat ng mga pangako namin sa isa't isa hindi man lahat natupad. "AH! Mgpromise ka sakin."


"Ah- ah ouch! Ouch. Oo na promise na." –sabi na. sadista talaga ng girlfriend ko kahit kailan.


Niyakap ko lang si mitch ng mahigpit. Ayoko na siya bitawan kasi sa pagbitaw ko sakanya mawawala na siya sakin.


Nagising nalang ako bigla pagkatapos ng mahigpit na yakap sakin ni mitch na yon.


Ayoko ng mawala si mitch sa paningin ko, ayoko ng magising. pero hindi pwedi kailangan ko gumising dahil sa mga pangarap naming dalawa. tama si mama ayaw ni mitch na ganito ako na malungkot gusto niya lagi akong masaya. Para sayo mahal magiging strong akong tao.


Nagonline ako at nakita ko yung neewsfeed ko ang dami. May mga nakikiramay sa nangyari sa mahal ko. pumunta ako sa timeline ko at tinignan ko yung album na naglalaman ng mga pictures namin together. Mga masasayang picture namin na magkakasama. Mahal ang saya natin sa mga to oh. Wala tayong iniisip na mga problema. Mahal ngayon hindi na pwedi pang maulit ang lahat ng to.

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now