Chapter 46: Dance Contest

369 8 2
                                    


*ICA POV*

Ilang linggo na din ng na-comma ako. At simula ng araw na lumabas ako sa hospital lagi kami nagdi-date ni alex. todo bawi yung ginawa namin sa isa't isa. Sobrang namiss namin yung mga ginagawa namin dati.

Nga pala hindi na ako nakatira sa tita ko dapat after ng operasyon na sinagawa sakin sakanila parin ako titira pero nagbago ang isip ko kay mama na ako tumira dahil buong loob ko na siya pinatawad. Si mama naman binigyan ng maayos na bahay sina tita. Wala naman naging problema kay tita yung pag-alis ko sa bahay nila masaya nga sila dahil ngayon magkasama na kami ng mama ko.

Kaming magkakaibigan ayon okay na okay nakami. Tuwing uwian galing school lagi kami nagtatambay sa condo ni pau dahil wala siya kasama dun.

Si pau lagi namimiss si robie kaya lagi namin siya sinasamaan sa condo niya baka mapano pa siya lalo ng buntis siya. I'm happy for her na magiging ina na siya graduate na siya sa pagiging book lover hindi na nakatungo sa libro lagi nalang sa baby niya.

Si trixia naman ayon naging mas adventurous na siya actually hindi namin siya laging nakakasama kasi ayaw niya daw pa makasama si thea ang pinalit sakanya ni jake. Bitter pa ang lola niyo pero sabi naman niya okay lang na sakanya ang mga nagyari. Ang gulo niya.

Si mitch okay na okay nakami back to normal na kami hahaha. Sobrang sweet nilang dalawa ni iro sa tuwing magkasama sila ramdam na ramdam mo yung pagmamahal nila sa isa't isa. Masayang masaya ako para sakanya. Sa bunso namin.

Ako eto maganda parin ahahaha. Masayang masaya ako na naging okay na ang lahat wala ng iniisip na kung ano ano. Masaya ako na okay na ang lahat. What if hindi parin kami okay lahat ngayon?. Siguro hindi ko na kakayanin pa. lalo na ngayon miss na miss ko na sila eh.

"Ma alis na po ako." –sabi ko kay mama, umuwi na din siya galing us. Ang dami nga niya pasalubong sakin, hindi lang sakin pati na din sa mga kaibigan ko. Nakakatuwa lang kasi pati siya close sa mga kaibigan ko.

"O sige anak mag-iingat ka ah."

Paglabas ko nakita ko ang napakagwapong nilalang na nakasandal sa kotse niya. parang naging slow motion ang paligid ko. Gosh mas lalo ako naiinlove sa lalaking to. hindi pa kami pero grabe inlove na inlove na ako sakanya. Sabi kasi ni kuya kapag hindi pa kayo dapat huwag mo lahat muna ibigay sakanya kahit na kayo pa kasi baka iiwan ka niya bigla bigla. Pero I think mali si kuya kapag nagmahal ka ibigay mo ng buo buo. Balak ko sagutin siya mamaya.

"Hindi naman ako si daniel padilla pero bakit ganyan ka makatingin?."

"Hindi nga ikaw si daniel pero mas gwapo ka dun." –sabi ko sakanya nagblush naman siya ay ang landi ni kuya hahahaha "Nagba-blush ka babe!." –pang-aasar ko sakanya. Ang cute niya hihi

"Hindi ah. tara na nga sakay kana baka naghihintay na sila satin niyan." –napikon na agad? Pikunin talaga tong lalaki na to. totoo naman kasi na nagba-blush siya eh. Ayaw pa aminin. Sumakay nalang ako sa kotse niya.

Habang papunta kami kung saan makikilaban si hiro. Yup dance contest nila hiro ngayon at syempre kailangan nandun kami para suportahan siya.tahimik lang kami ni alex. huhuhu galit ba siya sakin?. Wala naman masama sa sinabi ko eh. Totoo naman kasi na nagblush siya. Tss kainis naman tong lalaki na to.

"Galit ka ba?." –tanong ko sakanya. Hindi man lang niya ako sinagot. Huhu kainis naman to. naiiyak na ako eh.

"Babe." –tawag ko sakanya. Eto ba yung sinabi ni kuya na huwag ako masyado maiinlove sa isang tao dahil sa sasaktan lang niya ako. Bakit ba kasi napaka sensitive naman ng tao na to.

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now