Chapter 51: Misunderstanding

269 8 0
                                    

Pagkatapos nagtalon talon sa kwarto ko akmang maliligo na ako. Dahil aalis pa ako at pupunta ng mall wala pa akong pangre-regalo sa mga kaibigan at sa parents ko. biglang tumunog ang phone ko.

I thought it was jake. I'm wrong.

[Be! Asan ka?!.]

Kalerkey naman ng babae na to kung makasigaw akalamo naman nasa kabilang bundok ang nakikinig sakanya.

"Sa bahay pa bakit?!."

[Bat ka sumisigaw!]

Siya kaya tong sumisigaw hindi naman ako noh!

"Bakit ba?" ayoko na makipagtalo sa bruhildang babaeng to.

[Nandito nakami sa house ni pau! Ikaw nalang wala dito.] –gosh! Ang aga pa kaya bakit nandun na sila, excited much?. Hindi pa nga ako tapos kiligin sa jake jake ko eh! Tapos gusto niya punta ako agad sa condo ni pau.

"Okay. Pupunta na ako dyan! Wait niyo nalang ako dyan okay?." –then binaba ko na ang phone ayoko masira ang araw ko dahil sakaniya.

Kumuha na akong damit at pumasok na sa banyo ko. at naligo na. grabe! Kinikilig parin ako. Ganito pala magpakita ng effort si jake. never ko inimagine na ganito siya ka-sweet. Worth to wait. At ngayon mag-hihintay nanaman ako sakanya. Kaya ko naman to kaya maghihintay ako. Hihihi.

Paglabas ko sa banyo ko nagring ang phone ko at sasagutin na to pero huminto sa pagring kaya tinignan ko nalang kung sino tumawag MY BABE JAKE! 10missed called omy gulay! Bakit hindi ko narinig ang phone ko kanina. Patay ako neto ayaw pa naman niya paghintayin siya ng tawag at dahil sayang ang load. Kapag ring palang may bayad na yon kaya sayang daw kapag hindi ko sinagot ang tawag niya,

Nagring ulit ang phone ko at si jake ang tumatawag kaya sinagot ko na agad. Huhu! Kinakabahan talaga ako.

[BAT NGAYON MO LANG SINAGOT!!!!] galit na siya, eh sorry naman malay ko ba na tatawag ka.

"Eh n-nasa.."

[SABIHIN MO KONG AYAW MO NA AKONG KAUSAPIN HINDI SA HINDI MO NA AKO PINAPANSIN]

Grabe naman tong lalaki na to, bakit hindi mo niya ako hayaan mag-explain diba?.

[ANO NA! MAY IBA KA NA BA DIYAN AH! SABIHIN MO LANG!]

"YAN KA NANAMAN JAKE EH! TAMANG HINALA KA NANAMAN! ALAM MO KUNG MA-INIT ANG ULO MO HUWAG MO AKONG IDAMAY!"

Inend ko na ang call. Wala naman patutunguhan ang pag-uusap namin kung pareho kaming galit, nakakainis hindi lang sinagot tawag niya may iba na nga agad! Wala ba siya tiwala sakin? Para pagisipan niya ako ng ganon! Alam naman niya na siya lang mahal ko eh. Tapos ganon! Ay nakakasira ng mood! Makapunta na nga lang sa mall!

Nandito ako ngayon sa forever 21. Ang sosyal noh! Sabi nila kapag bumili ka ng damit sa forever 21 mayaman ka daw dahil sa mamahalin ang mga gamit dito. Forever na mamahalin. Forever na bukas. Pero walang forever malulugi din to tulad ng pagmamahal mawawala. Okay ang bitter ko na.

Mga dress nalang for mitch, ica and pau ang ibibigay kong gift mahilig din dila sa mga dress. At kay thea din pala kasama namin siya mamaya. Okay nakami kaya okay na makakasama namin siya mamaya. At for boys mga polo nalang. Hindi na siguro sila magiinarte dahil mahal kaya ang ibibigay kong regalo sakanila. Hahahaha!

"Hi." –ngiting bati niya sakin.

"Hello."

"Mahilig ka din palang magshopping dito?."

"Yah. Dito kami nagsha-shopping nina mitch. Kasama mo ba si redge?." –tanong ko sakanya, ang gaan na ng loob ko sakanya. Mabait si thea sobra.

"No. I'm alone. Bibilhan ko kasi siya ng panregalo. Kayo ni jake kumusta?."

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt