Chapter 59: Mahal ko

385 7 0
                                    

*HIRO POINT OF VIEW*


"Brad kumusta kana?. Anong nararamdaman mo?. kasi nagaalala na kaming lahat sayo brad." –sabi ni wendell


"Okay lang ako brad."



"Osige brad. Dun lang ako kapag kailangan mo ng mapapagsasabihan nandito lang ako."


"Salamat brad."


Wala ni isa ang makakatulong sakin kundi si mitch lang. si mitch na kinuha pa sakin ang nagiisang babaeng minahal at tinggap ako ng buong buo. Mahal ko naman! Ang sakit sakit.


Naalala ko ng magmula ng magkakilala tayo mahal. Simula umpisa hanggang sa dulo minahal mo ako. Hindi ako nagsisi na ibinigay ko lahat sayo. Kulang na kulang panga eh. Hindi ko pa naibigay sayo lahat ng meron ako. Ang daya mo naman mahal ko. sabi mo mag-aaral tayo nang mabuti, magkakaroon tayo ng magandang work at pagkatapos nun magpapakasal na tayo at magkakaroon ng magandang bahay, mga anak at mga apo. Mahal asan na yon?. eto ba yung sukli sa sating dalawa dahil sobrang swerte natin?. Dahil nakilala natin isa't isa?. Mahal kung eto lang naman sana sabay niya tayong kinuha. Mahal ko! alam ko may plano siya satin pero bakit ang saklap naman ng plano niya sating dalawa.


"Bro?." –akalako si wendell nanaman ang nasa harapan ko pero mali ako si kenneth


"Nandito ka ba para sabihin sakin na tama ka? Na mali ang desisyon ko na minahal ko siya? Na binigay ko lahat sakanya?. Ayan masaya kana wala na siya sakin. Kinuha na siya sakin!."


"Kuya, Sorry ako ang mali sa akalako kay mitch. Okay lang na ibinigay mo lahat sakanya. Dahil kuya sobrang swerte mo kay mitch sobrang bait niyang tao. Kuya sorry. Sorry sa mga ginawa ko sa mga sinabi kong masasama. Kaya pala talaga ibinigay mo ang lahat dahil babawiin lang pala siya agad sayo. Kuya sorry sorry nandito lang ako. Kami para sayo"


Nagsink in lahat sakin kung gaano ako kaswerte sa babaeng mahal ko. kung gaano kami kasaya sa tuwing magkasama kami. Sa tuwing kami lang dalawang dalawa na magkasama. Miss na kita mahal. Miss ko na ang pagpisil mo sa pisngi ko. miss ko na ang kakulitan mo. miss ko na lahat tungkol sayo mahal ko.


Naalala ko yung sa zambales kami. Yun ang kauna-unahang nag usap kami ng maayos.


*FLASHBACK*


"Kaya naman pala ayaw mo pa matulog dahil nagse – selfie kanaman."


"Bakit ba bigla kanalang sumusolpot ah!." –mataray na sabi niya.


"Kanina pa ako sa likod mo."


"Pwede ba makisali sa selfie mo?." –sabi ko sakanya.


Ang ganda mo talaga mitch. Ang gaganda ng mga kuha namin.


"Alam mo ba kung bakit ako nagselfie dito?." Tanong niya sakin.


"Bakit?."

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang