Chapter 42: Birthday Gift

375 10 4
                                    


*ALEX POINT OF VIEW*

Dalawang linggo na. Dalawang linggo simula ng ma-comma siya. Hindi parin kami nawawalan ng pag-asa. Pag-asa na magigising siya ulit, maririnig ang boses niya, makasama namin siya. Sobrang miss ko na siya.

Hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya. Kung dati wala akong ginawa para bumalik siya sa buhay ko. Ngayon sisiguraduhin ko na pagising niya ako na ulit ang mahal niya. gagawin ko lahat to make her happy.

"Bro uwi ka muna kami na muna ang magbabantay kay ica."

"Oo nga! Ang bantot muna oh. Mahiya kanaman sa kaibigan namin." –sabi ni trixia. Ang kulit nila kanina pa nila ako gusto umuwi. Simula kasi ng na-hospital dito si ica hindi na ako umalis sa tabi niya. gusto ko lang naman pagising niya ako agad ang makita niya hindi ang josh na yan.

Alam ko na may gusto si josh kay ica kaya dapat ako una makita ni ica. At ako lang ang makita ng mga mata niya. ayoko tumingin pa siya sa iba. Dahil sakin lang siya at sakanya lang ako. Selfish na kung selfish pero pinaglayo na kami ng tandahana ng ilang buwan kaya ngayong pinagtagpo na ulit niya kami gusto ko ako lang ang makasama niya wala ng iba.

"Sige na alex umuwi ka muna. Kapag nagising si ica magagalit pa sayo. Dahil ayaw niya napapagod ka ng dahil sakanya." –sabi ni mitch.

"Sige na nga uuwi na ako. Pero text niyo ko kapag nagising siya ah?."

"Oo na bro. tara hatid na kita." –halok sakin ni hiro tumango nalang kasi feel ko hindi ako makakapagdrive dahil ramdam ko na ang pagod.

Pagod na ako pero lalaban parin ako para sakanya kasi mahal ko siya. Hindi ko siya susukuhan dahil siya ang buhay ko. Siya ang laman ng puso ko. Pucha! Ang corny ko na.

"Pre ayos kalang?."

"Yung totoo?. Hindi."

"Gigising siya kaya huwag ka mag-alala dyan."

"Alam ko pre. Pero hindi ko maiwasan na hindi mag-alala diba alam mo naman ang sabi ng doctor yung makina nalang ang bumubuhay sakanya which means kapag pinatay natin yung lintek na machine na yon. pati ang buhay ng pinakamamahal ko mawawala."

Hindi nalang ako sinagot ni hiro. Siguro nahintindihan niya ako.

"Bro pakihinto na dyan." Sabi ko.

"Ah malayo pa ito sa bahay niyo pre."

"Bro stress ako kaya kailangan ako ng kaibigan ko ngayon." –sabi ko sakanya sabay baba "Balik nalang ulit ako bukas sa hospital bro. salamat ingat sa pagda-drive."

Hindi naman talaga ako painom na tao, naitigil ko na yon simula ng makilala ko siya. But ngayon kailangan ko muna ibuhos lahat ng problema at stress na nararamdaman ko ngayon sa alak.

Ica magigising ka pa kaya?. Paano kung hindi ka na nagising. Paano na ako. Ica ikaw ang buhay ko, ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Kahit na wala na akong kwenta pinipilit kong mabuhay para sayo. Para makasama pa kita.

"Anong ginagawa mo dito?. Bakit wala ka sa hospital?."

"Mind your own." –sabi ko sakanya. Pakialamero pala to. ngumisi siya naku akalamo naman bagay niya. pweee!

"Kailangan ka niya. bakit mo siya iniwan?. Ganyan ka ba magmahal iniiwan mo?. I think your not worth it to ica." –ano alam niya ba sinabi niya.

"Gago ka ba! Anong gusto mo palabasin ah!." –sabi ko sakanya. Kung hindi lang ako nati-timpi dito malamang kanina ko pa siya sinuntok dito.

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now