Chapter 44: Ica's Plan

320 10 0
                                    


Nanghina ako ng makita ko siya sa kama. Hindi ako maapaniwala na wala na siya. Hindi ko na siya makakasama pang muli. Ang sakit sakit lang na wala akong nagawa. Hinayaan ko lang na mawala ang taong pinakamamahal ko. Ang taong nagbibigay ng ngiti sa labi ko. Ang taong nagpapasaya sakin. Ang taong kaya sabayan ang trip ko. Ang taong kahit naasar sakin pero ilang saglit lang wala na. ang taong nakakahintindi sakin. Ang taong hindi man sweet minsan pero kapag naging sweet, pati asin mahihiya. Ang taong ayoko mawala sa buhay ko pero ngayon wala na siya.

"Ica. Please gumising ka. Hindi ko kaya wala ka sa buhay ko." –sabi ko sakanya habang yakap yakap ko siya.

"Alex tama na. ayaw ni ica na umiiyak ka." –sabi sakin ng mama ni ica.

Tanging pag –iyak nalang ang magawa ko. Ang laki kong gago!. Wala akong ginawa. Dapat ako ang nasa kalagayan niya ngayon. Sana ako nalang ang namatay ngayon. Sana ako nalang.

"Alex. tama na. huwag ka na umiyak." –sabi ni trixia.

"Ang tanga ko trix. Wala man lang ako ginawa eh. Wala. Wala."

"May ginawa ka alex. pero siguro eto na yung oras niya."

"Oras! Pero bakit agad agad naman. Paano na ako hindi ko kaya na wala siya sa buhay ko!."

"Alex."

"Ang damot naman niya. Ang daya niya hindi pa kami nagkakasama ng matagal pero kinuha na siya sakin!."

"Alex. lahat may rason lahat may dahilan." –sabi ni trixia.

"May dahilan. Pero hindi ko maintindihan ang dahilan niya kung bait agad niya kinuha si ica." –iyak na sabi ko kay alex.

Paano nalang yung mga pangarap namin. Yung mga gusto namin mangyari na magkasama. Paano na ako. Wala na ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko alam kung matatanggap ko to. never! Mahirap ipasok sa isip ko na wala na siya mas lalong hindi tanggap ng puso ko dahil nararamdaman ko na buhay pa siya.

"Alex. iho. Tama na yan." –niyakap ako ng mama ni ica pareho kami ng nararamdaman ngayon, ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. sa aming dalawa alam ko siya ang mas nasaktan. Ngumiti siya sakin. Hindi ko mahintindihan kung bakit nakangiti siya sakin.

"Alex." –yung boses na yon sakanya yon pero tinignana ko ang nakahiga sa higaan pero wala hindi na siya gumagalaw. "Happy birthday!. Pssst tingin ka dito sa likod mo!." –lumingon ako sa likod ko at nakita ko sina hiro, mitch, at trixia. Si hiro may hawak na laptop at dun ko nakita ang mukha niya.

"Happy birthday my bae!. Gusto ko maging special ang araw mo na to. pero hindi mo magagawa na kasama ako kung. Kung magagawa lahat ng pagsubok na ibibigay ko sayo. Una pumunta ka sa lugar na ibibigay sayo nina mitch kapag hindi ka nakarating ng limang minuto hindi mo na ako makikita ulit. Goodluck my bae!."

Anong nangyayari?. Bigla tumayo ang nasa kama. Pagkakita ko nanlaki ang mata ko si pau ang nakahiga!

"Surprise bro! eto na yung address oh! Puntahan mo na dali!."

Gusto ko magtanong sakanila kung anong nangyayari pero hindi ko na natanong dahil sa mas inisip ko yung minuto na binigay sakin ni ica.

"Goodluck bro! eto lahat ng task mo!." –sabi ni hiro. Bago ako lumabas s akwarto tinignan ku muna sila lahat sila na ka okay sign at naka-ngiti sakin. Nalilito parin ako. Akalako wala na talaga siya.

Ang dami pumapasok sa isip ko. Anong nangyayari?. Paano niya nagawa ang ganito. Okay naba siya?. Magaling naba siya?. Gustong gusto ko na siyang makita.

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now