Chapter 56: Overnight

295 8 0
                                    

*MITCH POINT OF VIEW*


Tatlong linggo na simula ng ikasal sina robie at pau. Sobrang saya ng kasal nila ang bongga. Hanggang ngayon nasa out of town sila nasa korea pa sila. Masaya ako para sa kaibigan ko dahil masaya siya sobra sa nararanasan niya ngayon.


"Ate pahingi." –sabi ng kapatid ko na si daryll


"O sige Bibigyan kita mamaya. Oo nga pala may t-shirt ka sa taas nasa room mo na"


"Talaga ate?. Thank you!."-pagkasabi niya nun umakyat na siya pero tinawag ko ulit siya.


"Daryll, remind mo pala ako due date electric bill na tayo. Ako na magbabayad para hindi na maabala si lola."


"Sige ate, ang bait mo talaga samin."


"Pero after tomorrow mo na ireming sakin ah. fieldtrip ko na bukas eh."


"Sige ate."


Si daryll ang bunsong kapatid ko ako lang nag-iisang babae saming magkakapatid tatlo kami at sobrang close naming lahat.


Oo may fieldtrip kami bukas, sa madlum river sa san miguel bulacan. Excited na nga ako eh. Excited ako dahil may mapupuntahan na nanaman ako bago place at kasama ko si thea sa tour. Remember thea?.


"Grabe, inaalagaan mo parin ako." –sabi ni hiro, yes! Nandito si hiro ang mahal ko pinuntahan niya ako kasi tour nanamin bukas ang sweet nga niya eh. Sa bawat effort niya na pagpunta sa bahay dagdag points hahaha.


"Inaalagaan mo rin ako eh." –sabi ko sakanya. Ang swerte ko kay hiro. Mahal na mahal niya ako wala na akong mahihiling pa.


"Alam mo mahal 7months palang tayo. Ang laki na ng binago ko ng dahil sayo." –anong drama yan mahal?. Hahahah pero kinikilig ako. Nginitian ko lang siya.


"Ang swerti ko nga nakilala kita. Na sinagot mo ako na mahal mo ako. Alam mo I want to be with you forever. I wanna marry you." Nagulat ako sa sinabi ni hiro., kasal? Hindi pa ako ready para sa bagay na yon "Ah sorry alam kong bata pa tayo."


Napangiti nalang ako. Ngiti na nirerespeto ako ni hiro, rinerespeto niya ang mga desisyon ko.


"Ako din." –sabi ko sakanya. "Hmm." –inabot ko sakanya yung sandwich na ginawa ko.


"Thank you."


"Mag-promise nga tayo sa isa't isa. Mag-aaral tayo ng mabuti. Magga –graduate tayo at magkakaroon tayo ng magandang work. Tapos kapag okay na lahat magpapakasal na tayo." –sabi ko kay hiro.


Nangako ako kay mama at papa na tatapusin ko ang pag-aaral ko. ang diploma ang tanging pamana nila sakin. Ang pinaka-importanteng pamana nila.


"Promise." –sabi ni hiro at naghigh five pa ang baliw hahaha.


FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now