Epilogue

404 12 0
                                    


*ICA CAPARAS POINT OF VIEW*


4years ago....


"Hi be kumusta kana?. Kumusta na dyan sa heaven?. Be ang tagal na ng mawala ka sobrang miss na kita bestfriend. Graduate na ako be natupad ko na ang pangarap natin na ga-graduate tayo be, sayang lang be hindi kita kasama ngayon tumupad ng pangarap natin pero be dito lagi oh. Sa puso ko lagi ka kasama wala kaman pero be ikaw ang naging inspirasyon ko sa mga pangarap ko be. Yung mga pangako natin sa isa't isa yun ang mga pinanghahawakan ko. kaya eto ako be! Ganap na graduate na ako. Hahaha!."


Nandito ako ngayon sa puntod ni mich. 5years na simula ng mawala siya, namimiss ko na siya sobra. Siya yung babaeng laging nandyan sakin. Namimiss ko na ang roommate ko, namimiss ko na siyang katabi matulog yung nagkukulitan kami yung pagiging makulit niya miss ko na.


"Be fresh na fresh parin sa isip ko yung mga nangyari sayo be. Sana be nakasama ako sa fieldtrip na yon noh para natulungan kita. Bakit ba kasi be hindi ka lumangoy nun marunong kanaman lumangoy eh. Sapukin kita kapag nagkita tayo be!."


Nakakamiss yung mga asaran naming apat. Miss ko na nung buo pa kami hay! Mga busy na kasi kami sa mga career namin eh.


"Be alam ko kapag nagkita tayo tatanong mo kung kumusta na ako. Anong balita sakin. Diba ganyan ka lagi itetext mo ako para kumustahin?. Eto be okay lang naman ako walang pagbabago, sorry pala be ah matagal tagal kita hindi nadalawa naging busy kasi sa school mga project alam mo na. kaya eto be pumunta ako ngayon kasi nakasuot ako toga oh picture tayo ah?. may toga din pala akong extra oh sayo to be. I think kasya naman sayo to be. Hindi ko pa nga niyan alam be kung saan ako magta-trabaho eh wala pa sa isip ko hahaha. Oo nga pala be engaged nakami ni alex, nagproposed siya last month i-share ko sana sayo kung anong nangyari nung araw na yon pero nagyayaan maginuman eh. Be dapat ikaw ang bridesmaid ko diba? Ipinangako natin yan sa isa't isa diba?. Hindi pa namin alam be kung kailan ang kasal pero soon na!."



"Be ikukwento ko din sayo ah kung kumusta na yung tatlo nating mga kaibigan. Yung mga panget hahaha. Be si thea okay naman siya engaged na din siya kay redge at kakasal na sila next month, masayang masaya nga si thea be eh kasi ikakasal daw siya sa taong mahal na mahal niya. and happy naman ako para sakanya be sobrang sweet ni redge kay thea be parang si hiro mo. hay! Si hiro nga pala be balita ko busy siya sa career nya sa japan eh, wala pa daw siyang nahahanap na kapalit mo sa buhay niya, tinamaan talaga ang mokong na yon sayo be ang haba ng hair mo. hahahah!."



"Si trixia naman be ayun busy din sa us. May boyfriend na pala siya be at hulaan mo sino?. Si jake parin be! Haha. Astig diba sila padin hanggang sa huli. Si jake kasi be ang bongga ng effort! Pinuntahan niya si trix dun para lang makipag-ayos dun siya nag-aral para magkasama daw sila ni trix. Baliw kasi na jake hinayahan niya noon tapos hahabulin niya din hahaha. Masaya ako sakanila be."


"Kung si pau naman ang tatanungin mo be kung kumusta na siya. Ayon be masaya siya sa pagiging momy at asawa niya, sabay lang kami nag-graduate ni pau be pinagpatuloy niya kasi eh. Sobrang galing nga niyang nanay be eh nagagampanan niyang mabuti ang pagiging nanay niya be at sweet na asawa. Susundan na nga daw nila si baby mich be. Ang landi ng kaibigan natin be hahahaha."

FOREVER FRIENDSHIP (COMPLETE) (Editing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum