TULA 1: Paikot-ikot, Patingin-tingin

317 16 8
                                    

Tumingin ka rito.


Nang tumingin naman,

umiwas ka bigla

Ano ba talaga?

Saan ka ba pupunta?


Paikot-ikot ka


Nahihilo na ako, ah.

Kung hindi ka lang maganda.


Lapitan mo na kasi

Nahihiya ka pa


Patingin-tingin siya

Naghihintay na lapitan


Torpe ka ba?

Ang sabi sa kanta, mahirap maging babae

kapag ganyan ang lalaki.


Ilang beses nang nagkasalubungan

Ilang beses nang nagkatinginan

Bakit hindi mo man lang nginitian?

Umalis na tuloy

Sayang naman


Bakit ayaw mo akong sundan?



Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon