TULA 13: Umuulit-ulit, Sumasakit-sakit

40 8 6
                                    

Nagkatinginan kami


Ngumiti ako

nang siya'y ngumiti

Subalit nalaman ko

na hindi pala para sa akin

ang ngiti niyang nakabibighani


Huli ko na napansin

na sa iyo pala siya nakatingin

Sa iyo

ang binatang sa kanya noon

ay paikot-ikot

at patingin-tingin


Lumapit kayo sa akin


"Kumusta?"

nakangiting tanong niya.


"Mabuti naman,"

nakangiti ko ring turan.


"Si Richard, boyfriend ko,"

pakilala niya sa iyo.


Ipinakilala rin niya ako

sa iyo

Tanging pangalan ko lang

ang sinabi niya

Tumango-tango ka lang

na parang alam mo

kung sino ako

sa buhay niya


Iyon lang

at nagpaalam na siya

Kapagkuwan

kayo'y umalis na


Hindi na naman niya alam

na sa ikatlong pagkakataon

muli niya akong iniwan

Nag-iisa

Lumuluha





Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon