TULA 3: Sumunod-sunod, Huminto-hinto

178 16 4
                                    

Sumunod-sunod ka

sa kanya

Kunwari ka pa


Pero bakit ko ito ginagawa?

Ewan ko nga ba, hindi ko alam

Bahala na.


Binagalan niya ang paglalakad

Hinihintay ka niya


Salamat naman at sumunod ka.

Pero hanggang diyan ka na lang ba?


Huminto-hinto ka pa

Kung kailan malapit ka na

sa kanya

Ano ba ang plano mo?


Daraanan niya ay iyong hinarangan

Saka mo siya kinindatan

Mukhang kinilig siya

Naka-one point ka na niyan


Nginitian ka niya

Sa wakas, nginitian mo rin siya


"Hi."


"Hello."


Nagpakilala kayo sa isa't isa

Next move mo, ano na?



Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon