TULA 17: Tumatamis-tamis, Pumapait-pait

47 7 10
                                    

Ang pag-ibig

ay hindi lang puro saya

Kilig

Ligaya

Sarap

Tamis


Ang pag-ibig

ay may kasamang lungkot

Kirot

Hapdi

Sakit

Pait


Ang pag-ibig

ay parang ice cream

na kinakain

sa ilalim

ng mainit na araw


Ang pag-ibig

ay parang kayumangging dahon

ng puno

na hinatak ng lupa

at dahan-dahang bumaba


Ang pag-ibig

ay parang alikabok

sa mga kasangkapan

na pinunasan

ng tuyong basahan


Ang pag-ibig

ay parang lumulutang

na mga upos

ng sinunog na larawan

na hinipan

ng malamig na hangin


Tulad ng pag-ibig niya

Natunaw

Bumagsak

Natanggal

Naglaho


Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon