Kabanata 3

52 7 4
                                    

Talaga bang hindi mo ako natatandaan, Samsam?

SAMANTHA'S POV

"Itigil mo nga 'yan, Mich! Ang creepy mo, alam mo 'yon?!" naiinis na sita ko kay Mich bago ko siya inirapan.

Paano ba naman kasi, kanina niya pa ako tinititigan. And hindi lang basta-basta titig, ha.'Yong tingin niya talaga sa akin ay 'yong tingin na hindi talaga kumukurap ang mata. Literal na nakatitig!

"Geez. Alam kong ang creepy ko pero hindi ko talaga maiwasang isipin, eh! Talagang nag eye-to-eye contact kayo ni Chester? Nagkalapit pa kayo ng mukha at... namula 'yong cute na cute mong cheeks!" exaggerated na sigaw niya sa akin habang tumatalon-talon pa siya sa kama ko.

Tapos na kasi ang klase at nandito kami ngayon ni Mich sa kuwarto ko. Nakitambay kasi muna siya sa bahay namin at wala pang tao sa bahay nila. Ayaw daw niyang mag-isa at natatakot siya. 

Ewan ko ba sa babaeng 'to! Malapit na sa legal age pero ang duwag pa rin!

"Hoy babae, 'yong kama ko kapag nasira sasamain ka sa 'kin," pagbabanta ko sa kan'ya kaya naman agad siyang tumigil sa pagtalon pero halatang-halata pa rin sa mukha niya na kinikilig siya.

"Hehe. Sorry," nag-peace sign pa siya sa akin pero isang irap lang ang natanggap niya.

Umupo na ako roon sa dulo ng kama ko at napatingin na lang ako sa kawalan.Napabuntong-hininga na lang ako. Kada pipikit ako, laging si Chester ang pumapasok sa utak ko. Nakakainis!

Ginugulo niya 'yong utak ko!

"Hoy Sammy, okay ka lang? Sabog ka na naman, ah," tanong ni Mich habang nagdududutdot sa cellphone niya. Mas okay na 'yan kaysa naman magtatatalon siya sa kama ko.

"Psh. Okay lang ako, 'no," sagot ko naman. "Pero ano kayang magandang talent para roon sa theater club sa friday?" dagdag ko pang tanong sa kan'ya habang inii-stretch ang braso ko. 

Puwede kasi akong sumayaw, kumanta, o um-acting. Pero alin kaya roon ang mas magandang gawin?

"Singing, siyempre! Maganda ang boses mo kaya kumanta ka na lang!" pasigaw niyang sagot kaya napangiwi ako.

Para talagang loudspeaker ang babaeng 'to!

"Huwag ka nga lang sasayaw kasi matigas ang katawan mo— aray naman! Masama na bang magsabi ng totoo— Aray! Oo na oo na ang galing mong sumayaw!" paulit-ulit na pagdaing ni Mich habang hinahampas ko siya ng unan na hawak ko.

"Magaling ako sumayaw, huwag ka nga!" pagmamaktol ko. Mabilis naman akong kumuha ng steps, eh!

"In your dreams— Joke lang!" pagtigil niya sa pagsasalita nang ambahan ko ulit siya ng unan.

Ang sadista ko yata ngayon, ah. Tsk.

Nanahimik na lang ako at sumandal ako sa headboard ng kama ko. Napag-isip isip ko lang, bakit kaya napaka-feeling close ng Chester na 'yon?

At bakit feeling ko matagal ko na rin siyang kilala? Nagkita na ba kami dati? Weird, ah. Pero... parang kaparehas niya ng tangkad 'yong lalaking humalik sa akin noon. Pero hindi, imposible!

"Oy, Sammy. Ano'ng password ng wifi n'yo? Bagong wifi 'tong bananababa no?" tanong ni Mich at ipinakita sa akin ang cellphone niya. 

Inirapan ko na lang siya bago kinuha ang phone sa kamay niya at t-in-ype ang password doon. Tuwang-tuwa naman ang bruha.

Napailing na lang ako sa reaksyon ng best friend ko at kinuha ko na lang 'yong cellphone ko at naglaro ng GTA, habang siya naman ay nags-social media dahil wala namang hilig sa laro ang babaeng 'yan.

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now