Kabanata 11

38 5 0
                                    

"Huwag na huwag ka ng lalapit sa kapatid ko, Natividad. Binabalaan kita."

SAMANTHA'S POV

Napatingin ako sa kan'ya habang hawak ko ang cellphone ko. First time niya kasi akong tawagin sa totoo kong pangalan.

"P-Para sa 'yo." Inabot niya sa akin ang isang singsing at agad ko naman itong sinuot. Ngumiti ako kahit tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng luha ko.

"W-Huwag mong iwawala..."

"Huwag ka ng magsalita, please..." pagmamakaawa ko sa kan'ya.

Nakita kong napangiti siya nang malungkot bago niya ipikit ang kan'yang mga mata. At pagkatapos noon, biglang dumating ang ambulansya at isinakay si King sa stretcher.

Pero bago siya tuluyang masakay sa ambulansya, narinig ko pa ang huling sinabi niya. "Mahal na mahal kita Samantha. Mahal na mahal."

"Aaaaaaahhhhh!"

Napasigaw ako nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko na parang tinutusok ito ng maraming karayom. Napapikit ako sa habang nakasabunot ang magkabila kong kamay sa ulo ko. Naramdaman ko na lang na tumutulo ang luha ko.

"Samantha? Samantha!" tarantang tawag sa akin ni Chester.

"T-tulungan mo ako..." mahina kong sabi bago ako mawalan ng malay.

CHESTER'S POV

Mabuti na lamang at nasa likod niya ako kaya agad ko siyang nasalo noong nawalan siya ng malay. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya at hinalikan ko ang pisngi niya.

Ayokong mahirapan ka, Samantha. Pero huwag kang mag-alala, kaunti na lang at maaayos din ang lahat ng ito.

"Mahal na mahal kita, Samantha. Mahal na mahal," mahinang bulong ko bago ko siya binuhat papunta sa kotse ko.

SAMANTHA'S POV

"King! King! Please King, gumising ka na!" pagmamakaawa ko kay King habang dinadala siya ng mga nurse papunta sa operating room.

"Bata, bawal ka na rito," sita sa akin ng nurse na babae nang nagtangka akong pumasok sa loob ng O.R.

"No! Kailangan kong pumasok sa loob! Kailangan ako ni King! Kailangan niya ako!" sigaw ko at pinilit kong pumasok sa loob ng O.R pero hinawakan na no'ng nurse ang magkabilang kamay ko.

Wala akong nagawa dahil mumunting bata lang naman ako habang matatanda naman ang pumipigil sa akin.

"Please... hayaan n'yo akong pumasok," sabi ko habang unti-unti nang nanghihina ang dalawang tuhod ko.

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng tuhod ko nang tulu'yan na akong napaluhod sa sahig.

"Tama na, Samantha. Itigil mo na 'yan."

Naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod ko ngunit hindi man lang ako nag-abala na lingunin siya dahil nakatingin pa rin ako doon sa pintuan kung saan ipinasok si King.

"Slade.. ayokong mawala siya. Hindi ko kaya.." umiiyak kong sagot.

Kilala ko ang boses niya. Kilalang-kilala ko. Siya ang kapatid ni King. Si Slade. Ang kasama ni King noong unang beses kaming nagkakilala.

"Hindi siya mawawala, Samantha. Magtiwala ka sa kan'ya."

Sinusubukan niyang palakasin ang loob ko pero parang wala na itong epekto ngayon dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Umupo na muna ako sa upuan kasama ni Slade. At habang nakapikit ako ay nagdadasal ako sa isip ko.

"Please, kahit ako na lang. Huwag lang si King ang mawala sa akin," I said at the back of my mind.

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now