Kabanata 12

40 5 0
                                    

"You'll marry slade."

SAMANTHA'S POV

"Samsam," tawag sa akin ni Chester kaya naman napalingon ako sa kan’ya.

S-Samsam? Ibig sabihin...

"Ikaw si King?" tanong ko.

"Colline, sumakay ka na," utos ni kuya pero hindi ko siya pinansin.

Hindi niya ako sinagot pero ningitian niya ako.

"Samsam, tandaan mo sana na hindi ko kagustuhan ang mga nangyari noon. Paniwalaan mo ako, Sam," nagmamakaawang sabi ni Chester at hinawakan ‘yong kamay ko.

"COLLINE! SUMAKAY KA NA SABI!" galit na sigaw ni kuya sa loob ng sasakyan.

Agad kong inalis ang pagkakahawak ni Chester sa kamay ko. Baka kasi maging dragon na ang kapatid ko, at isa pa ay kumikirot na naman ang ulo ko.

"Pasensiya na, Chester. Naguguluhan pa ako sa ngayon," sabi ko at agad na akong sumakay ng sasakyan at pinaandar na iyon ni kuya.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Minsan ay napapatingin ako kay kuya at napapansin ko na masama ang tingin niya sa akin. Galit siya? Puwes, mas galit ako. Kung mayroon man sa amin na mas may karapatang magalit, sa tingin ko ay ako 'yon.

Itinigil niya na ang sasakyan kaya naman bababa na sana ako pero hinawakan ni kuya ang braso ko.

"Bakit na naman?" iriradong tanong ko.

Pero hindi ko ine-expect ang sinabi niya.

"Alam kong unti-unti ka nang nakakaalala. Pero tandaan mo Colline, ayoko lang na masaktan ka kaya ko 'to ginagawa." Sincere ang pagkakasabi niya no'n kaya napakurap ang mga mata ko.

"Maiintindihan mo rin ako balang araw, Colline," dagdag niyang saad bago ako binitawan. Lumabas na ako pagkatapos no'n.

"Hindi ko kagustuhan ang mga nangyari noon."

Nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Chester kanina.

Sino ba ang dapat kong paniwalaan?

Naguguluhan na ako.

KINABUKASAN, napagdesisyunan kong huwag na lang muna isipin ang mga bagay-bagay. Trinato ko pa rin si kuya katulad ng pagtrato ko sa kan'ya noon.

Ayokong magtanim ng galit. Masyado na akong matanda para roon.

"Talo ka na naman, Colline! Hahaha!" halakhak ni kuya nang mapyatay na naman niya ‘yong character ko sa minecraft.

"Leche ka kuya! Ang daya mo, doon ka nagtago sa mismong bahay ko!" sagot ko naman habang hinahampas ko siya gamit ang cellphone ko.

"Itigil mo ‘yan Samantha. Kapag nasira ‘yang cellphone mo hindi kita bibilhan ng bago," pagbabanta niya kaya naman itinigil ko na ‘yong panghahampas sa kan’ya.

Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ako ng kape.

"Kuya! Gusto mo ba ng sandwich at kape?!" pasigaw na tanong ko habang nilalagyan ko ng strawberry jam ‘yong tinapay.

"Sige lang!" pasigaw din na sagot niya kaya naman kumuha pa ako ng isa pang mug at nagtimpla ng kape.

Kumuha na rin ako ng isa pang tinapay at nilagyan ito ng palaman.

Kinuha ko na ‘yong thermos at nilagyan ko na ng mainit na tubig ‘yong mug.

"Kuya, ito."

Inilapag ko na ‘yong mug at ‘yong sandwich sa lamesa at kumuha na si kuya ng isang sandwich at kinain ito.

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now