Kabanata 14

33 5 0
                                    

"Ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon?"

SAMANTHA'S POV

Agad naman akong pinapasok ng katulong nila King dahil kilala na nila ako dito.

"Samantha?" nanlalaki ang mga mata na sabi sa akin ni Slade nang makita ako.

"Ahm, Hi Slade. Wait lang ah, pupuntahan ko lang si King." nakangiting sabi ko at naglakad na ako papunta sa may kwarto ni King.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan kasi gusto ko na siyang isurprise.

"King! Happy..."

Pero ako ang nasurprise sa nakita ko.

Si King. May kahalikang isang babae.

Nanlalaki ang mata niya na tumingin sa akin pero inirapan lang ako ng babae.

"Samsam, it's not what you think." He said.

"Anoong it's not what she think, Ches? Ikakasal na tayo. Bakit hindi mo pa sabihin sa kan'ya ang totoo?" nakangising sabi no'ng babae habang nakalingkis pa 'yong kamay niya sa braso ni King.

Naihulog ko 'yong hawak-hawak kong cake dahil sa sinabi niya.

"Happy... Happy break-up, Chester." naiiyak na sabi ko at tumakbo na ako palabas ng bahay nila.

"Samantha!" rinig kong tahuwag sa akin ni Slade pero hindi ko siya pinansin.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito ng sobrang bilis. Not knowing na may truck pala sa harapan ko na nakaharang sa dadaanan ko.

Naaalala ko na ang lahat. Lahat-lahat. Shit.

"Aaaaaaaahhhhhhhhh!" malakas na sigaw ko habang hawak-hawak ko ang ulo ko.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Parang pinipiga na ang ulo ko. Naluluha na ako sa sobrang sakit, to the point na parang gusto ko na mamatay.

"Colline!"

Isang boses ang narinig ko bago ako tulu'yang mawalan ng malay.

"Kuya..."

--

"Colline..."

"Colline kumain ka na.."

"Colline kahit konti lang.."

Rinig na rinig ko ang pagtahuwag sa 'kin ni kuya mula sa labas ng kwarto ko pero hindi ko siya pinapansin. Nandito lang ako sa kwarto ko ngayon. Nakatulala at nakatingin sa kawalan habang tahimik na umiiyak.

"Colline..."

Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa sila ka'yang harapin sa ngayon.

"Colline. Mapipilitan akong sipain 'tong pinto mo kapag hindi ka lumabas."

Alam kong kapag gan'yan na ang tono ng boses ni kuya ay galit na siya. Pero hindi ko parin siya pinansin. Bakit, pinansin ba niya ako no'ng nasasaktan na ako?

"Samantha, isa."

Napabuntong hininga na lang ako nang maglakad ako papunta sa may pintuan at buksan ito.

"Kuya, please. Puwede bang pabayaan mo muna ako?" nanghihinang tanong ko.

"Pababayaan kita kung makikipag-usap ka sa 'kin ng maayos." pamimilit niya.

I sighed. "Kuya, alam kong nag-aalala ka. Pero puwede bang hayaan mo muna akong mapag-isa? Naguguluhan na kasi ako kuya. Sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko at kayo, wala man lang ka'yong ginawa para linawin 'yong mga nangyayaring 'to."

Lumabas na ako ng kwarto ko no'n at kinuha ko 'yong pera na nakakalat sa lamesa. Dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi.

Gusto ko munang mapag-isa.

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now