Kabanata 4

42 6 6
                                    

"Sana pagkatapos mong basahin 'yong kuwento, may matutuhan ka na."

SAMANTHA'S POV

"Miss Samantha, ang cute mo naman po," puri sa akin ni Kayleigh.

Omo! Mas cute kaya siya! Namula ako dahil sa sinabi niya.

"Salamat po. Ikaw din po... cute," sabi ko na lang din bago sumilay ang ngiti sa labi ko.

Nakita kong natawa si Chester dahil sa pamumula ng mukha ko. Inirapan ko tuloy siya. Leche talaga 'to.

"Ano'ng talent mo?" biglang singit ni Diane na nakabusangot ang mukha ngayon habang nakatingin sa 'kin. Bakit naman parang pinagsakluban ng langit at lupa ang isang 'to?

"Singing po," nahihiyang sagot ko.

"Then go! Ang tagal-tagal!" masungit niyang sabi sa 'kin.

Well, Diane Alquisola will always be Diane. Gan'yan talaga ang ugali niya but I never thought na ipapakita niya iyon sa harap ng maraming tao. Madalas kasi ay nagpapanggap siyang mabait pero hindi niya yata kaya sa akin.

Inirapan niya ako pero hindi ko siya inirapan pabalik. Sa halip ay umupo na ako roon sa upuan na nasa stage at ini-strum ko na 'yong gitara ko.

[Now Playing: Why Can't It Be - Nina]

Habang kinakanta ko 'to, iba't-ibang flashbacks ang pumapasok sa utak ko. Tungkol sa isang lalaki. Isang lalaki na hindi ko naman makita kung sino. Isang lalaki na hindi ko naman alam kung ano ang papel niya sa buhay ko.

"Samsam, gusto mo ba ako? Kasi ako, gustong-gusto kita," aniya. "Pero alam kong hindi puwede."

Sino ka? Sino ka ba na laging tumatawag sa akin ng Samsam?

Napatingin ako kay Chester at nakita ko rin si'yang nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero kahit gano'n, hindi ko iniiwas ang tingin ko sa kan'ya.

Nang matapos na ako kumanta ay nag-bow na ako sa harapan nila. Pumalakpak si Kayleigh at Chester ngunit si Diane ay matalim na nakatingin sa 'kin.

May nagawa ba akong kasalanan sa kan'ya? Bakit gan'yan siya makatingin? May inggit yata sa akin ang isang 'to.

"Congratulations, Samantha. You've passed the audition," matamblay na sabi ni Diane na para bang hindi siya masaya dahil pumasa ako.

"OMG! Yes, yes, yes!" rinig kong sigaw ni Mich sa likod.

Tinignan ko naman siya at 'yon, tumahimik ang bruha.

"Thank you po. Thank you!" masigla kong sabi bago ako nag-bow sa mga judges at bumaba ng stage.

Didiretso na sana ako papunta kay Mich pero nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko.

"Oh, Diane. Ikaw pala," sabi ko nang makita ko siya na masama pa rin ang tingin sa akin. "May sasabihin ka ba?" tanong ko pa pero hindi naman niya ako sinasagot.

Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako patay dahil sa titig niya.

"Okay. Alis na ako."

Maglalakad na sana ako paalis pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Naubos na tuloy ang pasensiya ko.

"Ano bang problema mo?" medyo iritado kong tanong sa kan'ya.

Nakakainis na, eh. Pinagmumukha niya akong tanga.

"Paano kung may isang lalaking naging parte ng buhay mo pero hindi mo siya maalala? Ano'ng gagawin mo?"

Literally, napanganga ako sa tanong niya. Ano 'to, telenovela? My amnesia guy ang peg?

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz