Kabanata 13

37 6 0
                                    

SAMANTHA'S POV

Kumain na lang ako ulit at nang maubos ko na 'yong pagkain ko ay napatingin ako kay Chester at Diane. Pero pinagsisisihan ko na tumingin pa ako.

Kasi nakita ko silang... naghahalikan.

Bakit ganito? Parang gusto ko nang manapak ng tao?

Huminga ako nang malalim para hindi ako makagawa ng mga bagay na pagsisisihan ko rin sa dulo. Kalma, Samantha. Kalma.

"You can't love him, Colline. Masasaktan ka lang."

Nag-flashback sa utak ko ang sinabi ni kuya kanina. Ano bang nagawa sa akin ni Chester noon at ayaw na ayaw ni kuya sa kan'ya?

Sinaktan nga ba ako ni Chester?

DALA DALA ko hanggang sa shooting namin ang pag-iisip kong 'yon. Maging si Mich tuloy ay nagagalit na sa akin dahil nagiging lutang na ako.

"Samantha, focus naman! We need to finish this project as soon as possible!" bulyaw sa akin ni Mich na siyang nagca-camera sa amin. Bihira lang niya akong sigawan pero mukhang naubos na ang pasensiya niya sa akin ngayon.

"S-Sorry," sabi ko at napayuko na lang ako.

May shooting kami ngayon para sa play namin. Ang scene namin ngayon ay 'yong sweet scene ni Spring at Troy.

Which is, ako at si Slade. Kaya naman hindi ako makapag-focus nang maayos.

Kung bakit ba naman kasi si Slade pa ang naging leading man ko! Kainis! Wala tuloy ako sa concentration, naa-awkward-an pa ako!

Well, hindi ko sure kung si Slade ang leading man ko pero sa tingin ko siya talaga eh. Kasi naman 'di ba, bakit siya ang laging kasama ko sa shooting kung hindi naman pala siya ang leading man ko? Parang baliw lang, 'di ba?

"Samantha, tulala ka na naman," bulong sa akin ni Slade kaya naman nabalik na ako sa reyalidad.

Agad akong nag-bow sa harap ni Mich, Diane, at Chester na naka-pokerface na ngayon. Aish! Samantha naman kasi, mag-concentrate ka na! Huwag dalhin ang kalandian sa org!

"Sorry, 'di na mauulit," mahinang sabi ko at humarap na ako kay Slade.

Titig na titig siya sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko maiwasang hindi mailang. Bakit? Dahil alam kong mahal niya ako.

Lagi siyang nand'yan para sa akin. Kahapon lang ay pinuntahan niya ako sa bahay namin kahit na sinabi ko na sa kan'ya na ayoko muna siyang makita. Itinaboy ko pa siya kagabi. Pero nadurog lang ang puso ko dahil sa sinabi niya sa akin.

"Sige Samantha. Itaboy mo na ako kung gusto mo. Pero hindi ako aalis dito. Mahal kita, Samantha. Kaya gagawin ko ang lahat kahit na masaktan pa ako, basta sumaya ka lang."

Agad kong binatukan 'yong ulo ko dahil sa naisip ko.

Focus nga Samantha 'di ba?! FOCUS!

Nag-shooting na ulit kami at nabulyawan na naman ako ni Mich dahil nakakalimutan ko ang mga lines ko. At nang hindi ko na makayanan ang pressure na ipinapataw nila sa 'kin ay nagpaalam na muna ako saglit.

"Puwede bang 20 minutes break muna? I'm tired," casual na sabi ko.

Agad naman na tumango si Mich kaya naman tumakbo na ako palayo dala-dala ang bag ko.

Binilisan ko ang paglalakad ko dahil alam ko na may makulit na susunod sa akin. At hindi nga ako nagkamali, dahil nandiyan na siya sa tabi ko.

"Saan ka pupunta, Samantha? Sama ako. Gusto ko lang masiguro na ligtas ka," sabi niya pero umiling ako.

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now