Kabanata 9

37 5 10
                                    

"Ayoko nga, SamSam. Mukha akong tanga kapag ngumingiti ako."

SAMANTHA'S POV

"Wow kuya, grabe lang talaga. Ano'ng klaseng kapatid ka ba?" iritado kong sabi sa kapatid ko habang tinatanggal ko ‘yong himulmol ng bag ko.

Kausap ko kasi si kuya ngayon sa phone. Magpapasundo kasi sana ako sa kan’ya dahil nga malayo-layo rin ang lugar na ito sa bahay namin at tinatamad akong maglakad.

Pero ang leche, nakapunta na pala rito ni hindi pa ako hinanap. Bakit?

"Tsk. Puwede namang sumabay ka na lang sa iba mong kasama d’yan. Susunduin ko muna si Miasse."

Wow talaga, puwede bang manapak? Inuna niya pa si Mich kaysa sarili niyang kapatid!

"K. Fine. Bahala ka sa buhay mo. Leche. Bye," iritado kong sabi at pinyatay ko na ‘yong tawag.

Napapadyak na lang ako ng paa sa sahig dahil sa inis. Inilagay ko na ‘yong cellphone ko sa bag ko at sumandal na lang ako sa may pintuan ng dressing room.

May tao pa kaya rito? Sana mayroon pa. Kahit si Diane.

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko ang isa naming member na si Hayley.

"Hayley!" agad kong tawag sa kan’ya.

"Bakit?" nakangiting tanong niya.

"Nakita mo ba si Diane?"

Agad siyang tumango.

"Yep. Sinundo siya ng kapatid niya."

Napasimangot ako.

"Ah. Eh ikaw, uuwi ka na ba?" tanong ko.

Sana oo. Please Hayley isabay mo ako pauwi.

Kung bakit kasi wala akong kotse eh. Hays. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.

"Hindi pa, eh. May date kami ng boyfriend ko," aniya. "Naghahanap ka ng kasabay pauwi no? Nand’yan pa naman si Chester sa loob ng dressing room, sa kan’ya ka na lang muna sumabay."

Maya maya lang ay nag-ring ang cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin bago sumagot.

"Sige Sam bye bye!" paalam niya at tumakbo na palayo.

Pero wait, paano niya nalaman na naghahanap ako ng kasabay pauwi? Psychic ba ‘yon?

No choice. Hihintayin ko na lang si Chester na lumabas.

"Ang ganda ko shet," pagpuri ko sa sarili ko habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

Well, suot-suot ko pa rin ‘yong hanging blouse at jeans at hindi ko parin 'to hinuhubad dahil feel na feel ko 'tong damit ko.

Pack-up na kami ngayon dahil tapos na kami mag-shooting. Na-shoot na rin namin ‘yong pamamasyal namin ni Slade sa Amusement Park at doon, unti-unting nahulog ang loob ko sa kan’ya. Theater play ang gagawin namin pero kailangan i-shoot ang ilang scenes para sa promotion.

Sumandal ako sa pader at kinuha ko ‘yong cellphone ko.

Nag-selfie ako nang anim na beses at p-in-ost ko ito sa social media account ko.

Samantha De Jesus: Done na mag-shooting. Hoho. Nakakapagod pero ang saya, sana worth it lahat ng paghihirapan namin :))

Napangiti ako nang marami agad ang nag-like sa pictures ko. Umabot na nga sa isang daan, eh.

At marami rin ang nagcomment, siyempre! Maganda ako, eh! Walang kupas talaga ang ganda mo, Sam! Pak!

Busy na busy ako sa pagpupuri sa sarili ko nang biglang bumukas ang pintuan ng isang kuwarto roon sa dressing room.

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now