Pagtatapos

49 5 1
                                    

"Does Cinderella lived happily ever after?"

SAMANTHA'S POV

"Kinakabahan ako Mich." sabi ko kay Mich na nag-aayos ngayon habang ako naman ay paikot-ikot na naglalakad.

I'm wearing a white dress na puro flowers sa baba. At kahit na mahaba ang suot ko ay nagagawa ko pang maglakad ng maglakad kahit na may possibility na madapa ako.

Ganito pala ang feeling... ganito pala ang feeling no’n.

"I know na kinakabahan ka. Si mommy din no’ng ikakasal siya, kinakabahan din siya. Pero can you please stop walking? Masisira ang make-up mo eh. At isa pa, papawisan ka. Magiging haggard ka. Baka hindi ka niya pakasalanan kapag pumangit ka. Gusto mo ba ‘yon?" sabi pa ni Mich sa ‘kin habang nag-eeyeliner siya.

Kasal ko na ngayon at talagang kumakabog ng sobra ang puso ko ngayon dahil sa sobrang kaba. Paano kung hindi pala siya sumipot sa kasal? Paano kung sabihin niya sa ‘kin na hindi na niya ako mahal at hindi niya na ako pakakasalan?

Napatingin ako sa salamin and I sighed. At napangiti na lang ako nang maalala ko ‘yong laging sinasabi niya sa akin kada maiinsecure ako sa sarili ko.

"Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko." pag-alala ko sa sinabi niya.

At doon, unti-unti nang nawala ang kaba ko.

"Sammy, nand’yan na si Kristoff. Siya na raw ang magddrive sa ‘yo papunta sa simbahan."

Napatingin ako kay Mich nang sinabi niya ‘yon.

"Ha? Eh akala ko ba ikaw ang ipagddrive ni Kristoff?" tanong ko habang inaayos ko ‘yong belo na nakasuot sa ‘kin.

"Change of plans." simpleng sagot niya. "Pinagbantaan kami ng soon-to-be-husband mo na kapag may nangyari sa ‘yo, malilintikan kaming lahat sa kan’ya. Sabi niya kasi, baka raw may kumidnap sa ‘yo or whatsoever. Oh ‘di ba? Pareho ka’yong paranoid. Jeez."

"Hindi ako paranoid no, I'm just being careful." depensa ko.

"Sus, pareho lang ‘yon. Anyway Sammy, mauuna na ako sa simbahan ha?" paalam niya sa ‘kin.

"Bakit hindi ka na lang sumabay samin ni kuya?" I suggested.

Ngumiti lang siya. "Ayokong maging bad vibes ang pagpunta mo sa simbahan nang dahil lang sa pag-aaway naming dalawa."

At pagkatapos no’n, naglakad na siya paalis. Oh well, I forgot to tell you na si Mich ang bridesmaid ko. At si kuya ang Best man.

Nag-ayos at nagretouch muna ako ng konti bago ako naglakad pababa ng hagdan kung nasaan si kuya naghihintay.

"Kuya." I called him at napalingon siya.

Napanganga siya nang makita niya ako. Pero hindi ‘yon ang napansin ko. Ang napansin ko ay ang pagmugto ng mga mata niya.

"Kuya, umiyak ka ba?" tanong ko.

"Umiyak? Ha? Hindi ah." pagdeny niya pa kahit na halatang-halata naman na umiyak siya.

"Sus, huwag ka maniwala d’yan Sammy. Umiyak ‘yan. Syempre naman kasi, mamimiss ka rin n’yan kahit papaano."

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon