Kabanata 15

39 4 0
                                    

"I love you."

Samantha's POV

"Sammy! Oh my gosh! Ang ganda mo! Para kang disney princess!" tuwang-tuwa na sabi ni Mich habang paulit-ulit niya pa akong kinukuhaan ng pictures sa cellphone niya.

At kesa mainis ako dahil sa ginagawa niya ay nyatatawa na lang ako, ewan ko ba sa babaeng 'to, mas maganda naman siya sa 'kin pero obssessed na obssessed siya sa itsura ko.

"Mich para kang baliw, alam mo 'yon?" natatawa kong sabi sa kan'ya at tumawa lang din siya. Baliw talaga.

Anyway, I'm wearing a pink gown na hanggang sa talampakan ko. May mga petals petals pa na design na color dark pink at tama si Mich, ang cute lang talaga.

And anyway, I forgot to tell you na play na namin ngayon. Kaya nga kinakabahan ako ng sobra ngayon. Kasi 'di ba, ako si Spring at ako 'yong bida sa story. Sana magawa ko ng maayos 'yong role ko.

"Guys! Malapit nang magsimula ang play!"

Napatingin kami ni Mich sa babaeng sumigaw mula sa pintuan at napanganga na lang kami nang makita namin si Diane na sobrang sexy sa suot niyang color black na dress. Bagay na bagay sa cold niyang personality kaya lang hindi naman pala siya cold. Actually, kasing kulit siya ni Mich.

Ewan ko ba, mga baliw na yata mga tao ngayon. Bipolar. Gano'n.

"Susunod na rin kami. Papractisin ko lang 'tong script ko saglit." nakangiting sabi ko kay Diane.

Wala na akong galit sa kan'ya ngayon. Okay na ako eh. Alam kong hindi naman siya magugustuhan ni Chester, ni King. Alam kong kami parin ni King ang magkakatulu'yan. At humingi naman siya ng tawad sa 'kin dahil sa pagiging kontrabida niya. At sana lang, mahanap na niya 'yong lalaking magmamahal talaga sa kan'ya ng sobra.

Diane smiled at tumango lang siya sa 'kin. Maglalakad na sana siya paalis nang may maalala siya.

"Ay, I forgot na sabihin sa 'yo na naghihintay si Chester sa labas. Ayaw ka raw na guluhin eh. Alam daw kasi niyang determined ka sa pagkakabisa sa lines mo."

Napatigil ako sa pagbabasa ko ng script nang marinig ko 'yong pangalan ni Chester.

"Uy, napatigil sa pagbabasa." pang-aasar ni Mich.

"Hindi kaya." pagdedeny ko at pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko. Pero sa totoo lang, wala na akong maintindihan sa binabasa ko.

"Huwag ka nang magpanggap Sammy." sabi ni Mich sabay kuha ng script na hawak ko. "Puntahan mo na dun! Bilis!"

Natawa si Diane na tahimik lang na nanonood samin dahil sa pinaggagagawa ni Mich. At ako, napilitan na lang akong tumayo at maglakad palabas ng room na kinalulugaran ko at paglabas ko, nakita ko si Chester na may hawak-hawak na bulaklak.

"King." I called.

Napangiti siya nang marinig niya 'yong tinahuwag ko sa kan'ya.

"Samsam." he answered. "Para sa 'yo."

Hindi na ako magpapakaimpokrita kaya aamin na ko. Nawala 'yong pagdududa ko sa kan'ya nang makita ko siya ulit ngayon. And fyi, ang guwapo niya sa suit niya.

"Salamat." sabi ko sabay kuha ng flowers na bigay niya.

Ngumiti siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa front seat kung saan kami uupo bago kami magplay. At natawa na lang ako nang kantiyawan kami ng mga members namin nang makita na sabay kami ni Chester na naglalakad.


"Mga baliw talaga sila." nyatatawa kong sabi at natawa na lang din siya.
Umupo na kami sa front seat at nagthumbs up sa 'kin si Diane na kyatabi ko lang ngayon.
"Bagay talaga kayo." bulong niya.
Napangiti na lang ako.
Tahimik na ang buong auditorium at magsisimula na sana ang host nang biglang may isang babae at lalaki na gumawa ng ingay sa may likod namin.
"ANO BA NAMAN KRISTOFF?! TANTANAN MO NA KO PARANG AWA MO NA NAMAN!"
"Ano ba kasing ipinuputok ng butchi mo?"
"BAKIT MO BA KASI AKO SINUSUNDAN?!"
"Anoong sinusundan ang pinagsasasabi mo d'yan?"
"SINUSUNDAN MO AKO! HUWAG KA NANG MAGKAILA!"
"Sinusundan. Eh pupunta ako kay Colline. Ano bang sinasabi mo d'yan?"
Si kuya lang pala at si Mich. Sus, itong dalawang 'to talaga. Ayaw pa kasing umamin na mahal nila ang isa't-isa eh. Oops, sorry at Rica. Sad'yang mas boto lang ako sa best friend ko kesa sa 'yo sorry.
"ARGH! I HATE YOU!"
"I love you too."
Nagtilian lahat ng nanonood nang sabihin 'yon ni kuya kay Mich. Pati ako kinikilig eh. Pero 'yong totoo, sila ba ang may roleplay? Sila ba?
Nagwalk-out na si Mich palabas at dahil katulad ko si kuya na makulit, sino'ndan niya ulit si Mich palabas. Pft.
"Samsam."
Nawala ang atens'yon ko kila Mich at kuya nang tahuwagin ako ni King. Lilingon na sana ko pero nanlaki ang mata ako nang biglang dumampi 'yong labi niya sa labi ko.
"I love you."
At dahil dun, hindi ko mapigilang mamula.
Sasagot na sana ako ng "I love you too" sa kan'ya pero biglang may tumahuwag sa kan'ya. At kahit na nagriring na ang cellphone niya ay hindi niya ito sinasagot dahil nakatitig siya sa 'kin.
"Sagutin mo na 'yang tumatahuwag sa 'yo." medyo kinikilig na sabi ko.
"Sagutin mo muna 'yong sinabi ko sa 'yo." sabi niya sa 'kin sabay wink.
Ay shet naman oh.
Ngumiti ako. "Sasagutin ko mamaya 'yong sinabi mo basta sagutin mo muna 'yang tumatahuwag sa 'yo."
Nakapout niyang kinuha 'yong cellphone niya at namutla siya nang makita 'yong tumatahuwag sa cellphone niya.
"Sino 'yan, King?" tanong ko sa kan'ya pero hindi niya ako sinagot.
Naglakad na siya palabas ng auditorium kaya naman napakunot ang noo ko. Importante kaya 'yong taong tumahuwag na 'yon?
Napatingin ako sa sahig at napakunot ang noo ko nang makita ko na may puting papel na nalaglag doon sa inuupuan ni King.
"Sam, anoong problema no'n?"
Napapitlag ako sa gulat nang bigla akong kalabitin ni Diane na kyatabi ko nga pala ngayon. Agad kong tinago 'yong papel na hawak-hawak ko bago ako lumingon sa kan'ya.
"Ha? Ah ewan ko eh." medyo kabado kong sagot. Pero wait nga, bakit ba ako kinakabahan?
Nakita ko sa reaks'yon niya na medyo nagtaka sya dahil sa pagiging uneasy ko pero hindi na lang niya ako pinansin.
"Susundan ko lang siya sa labas ha?" paalam niya sa 'kin.
"Ha? Ah sige." sagot ko naman.
Naglakad na siya palabas ng auditorium at napabuntong hininga ako nang nawala na siya sa tabi ko. Agad kong kinuha 'yong papel na color white at dahan-dahan ko itong binuklat.
"Teka, ano 'to?
Binasa ko 'yong sulat.
At nabitawan ko 'yong sulat matapos ko i'yon basahin.
~*~
"Malapit na 'yong ending~ oh my gosh~" pakanta-kantang sabi ni Mich habang nakatingin sa stage.
Nakalimutan kong sabihin sa inyo na nagsisimula na 'yong play kanina pa. At oo, pyatapos na 'to. Kung si Mich eh sobrang saya, ako naman sobrang kinakabahan. Hindi mawala sa isip ko 'yong nakasulat sa papel kanina.
"Kinakabahan ako." nanginginig na sabi ko.
"Don't be, Sammy. Ang gagawin mo lang naman d'yan ay ang gusto mong gawin, okay?"
Sumara na 'yong kurtina, so it means, susunod na 'yong last scene.
"Kaya mo 'yan Sammy! Aja!" nakangiting sabi ni Mich kaya napangiti na rin ako.
Bumukas na 'yong kurtina kaya naman naglakad na ako papunta sa stage. Pero napatigil ako nang makita si King na nakaluhod habang may lifesized teddy bear sa tabi niya.
Agad akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit para mabulungan ko siya. "Mali 'yang ginagawa mo. 'di ba ang ending ay naglalakad 'yong babae tapos makikita niyang may kahalikan si Slade? Ikaw 'yong magtyatanggol sa 'kin. Bakit ka nakaluhod?"
"Walang mali sa pagmamahal, Samsam."
Tumayo siya at itinayo niya rin ako.
"Hindi naman talaga dapat ganito." nyatatawang sabi niya. "Papipiliin ka dapat namin ni Slade kung sino ba sa aming dalawa ang pipiliin mo, pero kanina lang, sinabi niyang pinaparaya ka na niya sa 'kin. Mahal na mahal ka niya, Sam."
Kahit na naguguluhan ako ay nagawa ko paring tumingin kay Slade na nasa front seat na ngayon. Nagthumbs up siya sa 'kin pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kaya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Samsam, alam mo naman kung gaano kita kamahal 'di ba?" sabi niya sa akin.
At pagkatapos no'n, bigla si'yang lumuhod sa harap ko.
"Samsam, will you marry me?"
Napaluha na lang ako nang magpropose siya sa 'kin. Tears of joy. Napahagulhol na ako ng iyak nang dahil sa ginawa niya.
"King..." humihikbi na sabi ko at lumuhod na rin ako para maging magkalevel na ang mga mukha namin.
At pagkatapos no'n, hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.
"Yes. I'll marry you. I love you, King."

Under The Rain [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now