He's the Man, She's the Boss

98.5K 1.7K 325
                                    

Shut Up or I’ll Kiss You [EXO] Book 2!

Characters: EXO, SNSD, SUJU, f(x), SHINee

Setting: Seoul, South Korea

Prologue

“Si Taeyeon!!!~”

“Ang ganda niya talaga noh?”

“Wah! Papicture tayoo!!!”

Ito na ang buhay ko ngayon. Hindi na isang ordinaryong buhay. Kilala na ako. Sikat. At artista ditto sa South Korea.

Tama kayo. Nagbago na ako. Hindi na ako ang Kylie Lee na laging kawawa. Na laging utusan. At mahirap.

Iba na ako ngayon. Ako na ngayon si “Kim Taeyeon.” Ang babaeng sikat. Ang babaeng mayaman. At ang BOSS.

Naglalakad ako papunta sa SM Entertainment Building. May bago daw kasing group na kailangan itrain.

At ako muna ang kikilatis sa kanila.

Nandito na ako sa harap ng office ng biglang bumigat ang pakiramdam ko. Bakit parang feeling ko may masamang mangyayari ngayon?

Aish. Nandito nanaman tayo sa feeling feeling na yan. Tss.

Binukas ko na ng tuluyan ang pinto at laking gulat ko sa nakita ko.

Ang EXO.

Bakit sila nandito? Isa isa ko silang tinignan. Wala pa ring pagbabago sa kanila.

Pero nahagip ng mata ko ang mukha ng lalaking ito. Ang lalaking nanakit sa akin. Ang lalaking nanloko sa akin. Ang lalaking minahal ko. Si Kai.

Hindi ko namalayan na napatitig na ako sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla siyang ngumiti sa akin.

Bakit ganoon?

Bakit kung makangiti sya sa akin ay parang walang nangyari 3 years ago?

“KYLIE!!!!!!”

Nagulat ako ng isa isa silang nagsitakbuhan papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pero hindi man lang natinag si Kai sa kinatatayuan niya at parang nagtataka sya sa inasal ng mga kasama niya.

He's the Man, She's the Boss /HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon