[15] -- #HappyPandaTaoDay Kekeke~

22.6K 643 142
                                    

[15]

--

Nakatulala pa din ako sa pintong nilabasan nila Kai. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi rin ako makakilos sa inuupuan ko.

Ano ba talagang nangyari? Bakit? Paano?

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Pwede ba! Umalis ka na lang sa buhay namin! Get lost!"

Patuloy pa rin ang pag-echo ng boses ni SUlli sa isip ko. Ako? Bakit ako ang may kasalanan?

"Ate!!!"

"Kylie!!!"



Ano ba talaga? Si Kai.. Bakit siya nagkakaganoon? Bakit sobrang sakit ng ulo niya?

"Ate! Ayos ka lang ba?" Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na si Yoona. Agad ko siyang niyakap at muling umiyak.

"Ano ba talaga? Hindi ko na alam.. Bakit ba lagi na lang ako.. Ano ba talagang nangyari.." Hagulgol ko habang nakayakap kay Yoona.

Hindi ko namalayan na nandito na rin pala ang ibang kagrupo ko at halata sa kanila ang pag-alala.

"Mabuti pa kung iuuwi muna natin siya." Rinig kong sabi ni Luhan at inakay ako patayo pero agad akong nagpumiglas.

"No! I need an explanation. Right here. Right now." Sabi ko at nagtama ang mata naming ni Luhan. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Yoona at tinignan ko siya.

Nakita kong parang nag-aalangan siyang sabihin sa akin. Bakit ayaw na nilang sabihin sa akin kung kelan handa na akong marinig ang katotohanan?

"Bakit? Gusto niyo talaga akong maging mukhang tanga dito?!" Sigaw ko sa kanilang lahat at tinignan sila isa isa.

Pero iniiwasan nila ang tingin ko. Lahat sila ay natahimik. Pero nagulat na lamang ako nang biglang hawakan ako ni Kris at tinignan akong mabuti.

"Fine. Ako na ang magsasabi." Sabi sa akin ni Kris at doon ko lang nakita ang mga nakakaawang mukha ng EXO na nakatingin kay Kris.

"Hyung.." narinig kong sabi ni Xiumin.

"Sa tingin ko, dapat lahat tayo ang magsabi ng totoo. We are one, right?" sabi ni Suho na ipinagtaka ko. Ano bang mahirap doon?

Sasabihin lang naman di ba?

Pero hinawakan lang ako ni Kris at tinalikuran sila at hinatak ako palabas.

"No. I will handle this."

Iyon na lamang ang sinabi ni Kris at tuluyan na kaming nakaalis sa dance studio na iyon.

Habang hatak hatak ako ni Kris ay patuloy pa ring naguguluhan ang isip ko sa pangyayari kanina. Bakit hindi nila masabi sa akin?

Bakit parang natatakot silang lahat na magsalita?

Bakit..





Bakit parang may pumipigil sa kanilang lahat? ANo ba talaga?

At bago pa ako tuluyang mabaliw sa kakaisip ay nagpumiglas na ako sa pagkakahawak ni Kris.

Agaad naman siyang napatigil sa ginawa ko at humarap sa akin nang nag-aalala.

Tinignan ko siya sa mga mata at bakas dito ang kalungkutan. Ilang saglit pa ng katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Hanggang sa magsalita siya.

He's the Man, She's the Boss /HIATUSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu