[9]

24.5K 658 218
                                    

[9]

F(x) Facts: Sulli had a bad eyesight.

© owner

---

[KAI]

“Hyung, yung totoo, si Sulli ba talaga yung babaeng pinakamamahal ko?” tanong k okay Chanyeol. Hindi ko rin alam kung bakit iyan ang natanong ko.

Basta, iyan ang lumabas sa bibig ko.

Dati ko pa naiisip kung bakit simula nang magkasakit ako ng “Amnesia” may bumabagabag na sa akin.

Iyon ang babaeng nagpapakita lagi sa panaginip ko. Hindi ko siya kilala pero kapag nakikita o naalala ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko.

Na kahit kailan ay hindi ko naramdaman kay Sulli.

Sabi nila, nauntog daw ang ulo ko sa isang malaking bato nang kalabanin ko daw ang grupo ng lalaking nambabastos kay Sulli. Kaya ako nagka-amnesia.

Hindi ko alam sa sarili ko, pero may gumugulo talaga sa akin. Parang may nagsasabing hanapin ko ang katotohanan.

Dahil simula nang gumaling ako, napansin kong hindi gaanong magkavibes ang EXO at Sulli.

Mayroon silang sekreto na hindi pinapaalam sa akin. Pero ano yon?

“Huh? Ah.. Eh.. Gusto mo talagang malaman ang totoo?” tanong sa akin ni Chanyeol. Napatingin ako sa kanya.

Tumango na lang ako at hinihintay ang sasabihin niya nang biglang..

“Oo naman. Ako lang ang pinakaminahal mong babae sa balat ng lupa.” Nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si Sulli.

Tinignan ko si Chanyeol pero ngumiti lang siya na parang nanghihinayang. May hindi tama talaga dito.

Tinignan ko si Sulli sa tabi ko na nakayakap sa akin. Nakangiti lang siya.

Mukha siyang anghel. Siguro nga, masyado lang akong nagpapadala. Si Sulli nga talaga.

Bakit ba hindi ko siya paniwalaan?

Si Sulli ang mahal ko, siya lang. Wala ng iba.

“Syempre, Ikaw lang ang mamahalin ko baby.” Sabi ko kay Sulli at hinalikan siya sa noo. Niyakap lang niya ako ng mahigpit.

“Pre, pasok muna ako. Tulog ulit. Sige.” Sabi ni Chanyeol at pumasok na sa loob. Naiwan na kami ni Sulli ngayon dito sa labas.

“Baby, wag mo kong iiwan ha? Ipangako mo sa akin na hindi mo ko iiwan.” Sabi ni Sulli at tinignan lang ako sa mata.

He's the Man, She's the Boss /HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon