[1]

49.3K 1.2K 184
                                    

[ONE]

Fact: Kim Taeyeon admitted once that her hobby is taking care of kids and her speciality is acting like a leader.

(c) owner

***

[3 years ago]

Nasa airport ako ngayon at wala pa rin si Kai. Mukhang hindi niya talaga ako minahal. Ako pa ang nalugi.

Ako pa ang sobrang nasaktan.

Ako pa lahat nakasapo.

Lahat ng sakit. Lahat ng paghihirap. Lahat lahat.

Syempre.. Ano pa bang aasahan ko? Eh ako ‘tong sobrang nagmahal. Sa taong ang ginawa lang sa akin ay ang saktan ako.

Siguro, ngayon. Kailangan ko ng kalimutan sya. Kalimutan ang lahat lahat.

“Anak, ayos ka lang ba?” Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni mama sa kamay. Napatingin ako sa kanya at hindi na napigilan ang sarili kong mapaiyak sa kanya.

Hindi ko napansin na nawalan na ako ng oras kela mama. Sa oras na to, pamilya ang tanging kailangan ko.

Naramdaman kong hinalikan ako ni mama sa noo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako at napayakap sa kanya.

“Mama.. Sorry ha.. Sorry kung sa inyo ko nabaling tong galit ko.. Sorry talaga kung tutol ako sa pagbabalikan niyo ni papa..” Tama. Bumabalik si Papa kay mama. Sinabi niya samin ni Yoona yun. Pero tutol ako.

Ayoko. Masyadong masakit yng pag-iwan niya samin. Isa rin iyon kaya nagalit ako kay mama. AT isa rin yon kung bakit ayokong pumunta dati sa korea. Dahil nandun ang papa ko.

Pero ngayon, siguro kailangan ko naman bigyan ng chance na sumaya ang mama ko. AT mabuo ang pamilya ko.

“Ma.. Ayos nap o sa akin. Gusto ko pong mabuo ang pamilya natin. Mahal na mahal ko po kayo..” Pagkasabi ko nay un ay nag-uunahang tumulo ang luha ko.

“Salamat anak.. Mahal ko rin kayo.. Mahal na mahal..”

---

KOREA

Sinalubong kami ni Papa. Kitang kita kong Masaya si mama habang yakap yakap niya si Papa. Parang nakalimutan niya na agad lahat ng mga kasalanang ginawa ni Papa sa kanya.

Tumingin naman si Papa sa aming dalawa ni Yoona at lumapit sa amin. Tinignan ko lang sya. Mapapatawad ko pa ba sya?

Kaya ko bang patawarin sya?

Nagulat ako nang biglang yumakap si Yoona kay Papa. Napatawad niya agad si Papa? Bakit parang ang hirap para sa akin ang magpatawad?

He's the Man, She's the Boss /HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon