[24]

851 48 96
                                    

[KAI]

"Wag mo syang pansinin, Kai. Hindi niya alam ang pinagsasabi niya. Ginugulo ka lang niya." Sabi ni Sulli habang nakatingin lang ako sa papalayong si Kylie.



Gustong gusto ko syang habulin... Gusto kong yakapin sya, at sabihing nandito na ako. Nandito na ako, Kylie. Bumabalik na ako. Tatanggapin mo pa kaya ako?



Pero hindi, hindi ko sya kayang sundan. Hindi ko sya kayang ipaglaban. Hindi ko pa kaya, hindi ko kaya.



Kasi sa oras na gawin ko yun..



Tinignan ko lang ang babaeng nakakapit sa akin at umiiyak. Si Sulli, na sugatan ang mukha, may kalmot, gulo gulo ang buhok. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin, pero napangisi ako.



Kakaiba ka talaga Kylie, ang tapang mo. Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin yung babaeng minahal ko..


"Kai, I'm hurt. Kita mo nga ginawa sa akin ng babaeng yun?" Pagrereklamo ni Sulli. Pero tinanggal ko lang ang pagkakakapit niya sa akin at tinignan sya sa mata.



Gustong gusto kong magalit kay Sulli sa totoo lang. Pero.. kahit papaano, grabe rin yung mga ginawa niya para lang mapasaya ako. Alam kong may pagkaobssess sya sa akin, pero sya yung nandyan nung walang wala ako. Sya lang ang nagtiis sa akin nung mga panahong nagpapagaling pa lang ako.



Kaya habang tinitignan ko sya, naaawa ako sa kanya. Naaawa ako kasi buong buhay niya, ako lang ang minahal niya. Hindi na sya nagtira para sa sarili niya.



At habang tinitignan sya, hindi ko rin maiwasang mag alala.. Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Hindi ko na alam ang gagawin ko.



Gustong gusto ko na makasama si Kylie. Pero alam kong sa oras na hiwalayan ko si Sulli, mapapahamak lang sya. Kaya siguro, sa ngayon..



Luhan, ikaw na muna ang magpagaan ng loob niya..



"Tara, babe. Ipagamot natin 'yang mga sugat mo." Inalalayan ko si Sulli habang nagnanakaw ng tingin kela Kylie.


Hintayin mo ko, Kylie. Babalik ako sa'yo..



Hinding hindi ako papayag na matatapos lang tayo ng ganun lang.



"Ano ba kasing nangyari, babe?" Tanong ko kay Sulli, habang nakaalalay ako sa braso niya. Bigla syang huminto saglit at dun ko lang nakita na umiiyak pala sya nang di ko alam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's the Man, She's the Boss /HIATUSWhere stories live. Discover now