[22]

5.6K 199 50
                                    


[22]

[KYLIE]

Agad akong pumunta sa hospital kung saan nakaconfine si Kris. Nakasumbrero at shades lang ako para di ako masyadong makacaught ng attention.

Nilayuan ko na nga yug EXO at yung pinakamamahal niyang si Kai, tapos ganito pa rin? May sayad ata si Sulli eh.

Parang hayop lang para sa kanya yung EXO para paglaruan ng ganun.

Kung ano ano na talaga ang sumasagi sa utak ko. Ang gusto ko lang talaga ay makitang okay si Kevin. Kapag talaga may nangyaring masama sa kanya..

Shet na malagkit. Di ko na alam ang gagawin ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa VIP room ay agad akong napahinto sa nakita ko.

Si Kevin at Kyungsoo..

Ngayon ko lang nalaman na pati pala si Kyungsoo.. Ano ba talaga ang nangyari? Napaluha nalang ako.

Ang dami nilang bandage sa katawan. Nakita kong napamulat si Kyungsoo at nakita ako.



"Noona.." Sabay ngiti. Lalo akong naluha nang makita sya. Bakit nagagawa niya pa ring ngumiti sa sitwasyong ganito?

Hindi ako makakilos. Lalo na nang makita ko ang mukha ni Kevin.

Marami syang gasgas at sugat sa mukha. Pati labi niya namamaga. Mas marami syang bandage kaysa kay Kyungsoo.

Halos buong katawan niya ata merong nakapulupot sa kanya. Ang dami ring nakatusok na kung ano ano sa kamay niya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Awa, galit, lungkot. Halo halo na. May part sakin na sinisisi si Sulli.

At may parte ring sinisisi ko ang sarili ko.

Ako.

Ako naman talaga ang may kasalanan. Ako. Pinairal ko ang pride ko. Kung hindi nalang ako umalis ng Pilipinas, sana hindi 'to nangyari.

Kung hindi ko nalang sana sila iniwan, hindi 'to mangyayari.

Kung sana natuto akong lumaban, hindi sana ito nangyari.

Pero wala, wala na rin naman akong magagawa doon. Nangyari na ang nangyari.

Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko, wala akong maramdaman. Parang gusto kong bumagsak dahil hindi ko na nararamdaman ang tuhod ko.

Napahagulgol na lang ako at umalis. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang lapitan si Kevin.



"Noona.." Narinig kong sambit ni Kyungsoo.

Sana hindi nalang nila ako nakilala! Sana wala nalang Kylie na sumulpot sa buhay nila!! Sigaw ko sa sarili ko habang naglalakad palayo sa room nila.

Sinisisi ko ang sarili ko. Bakit? Kasi kung hindi nila ako nakilala sana masaya pa rin sila. Sana hindi naaksidente si Kevin at Kyungsoo. Sana hindi nagkaamnesia si Kai. Sana hindi nila makakasama si Sulli!

*BLAG*

Napahandusay ako sa lapag nang may bumunggo sa akin. Iyak pa rin ako nang iyak at hindi makatayo sa pagkakabagsak ko.

Bigla ko nalang naramdaman na may nag angat sa akin sa pagkakatayo ko at niyakap ako.

"Ssshh.. Wag ka nang umiyak." Sabi niya sa akin. At lalo naman akong napahagulgol don. Hindi ko na malaman ang gagawin kaya niyakap ko nalang din sya.

He's the Man, She's the Boss /HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon