[23]

12.6K 379 450
                                    


A/n: Mobile lang po gamit ko kaya baka short UD lang 'to at medyo mema. Pagpasensyahan na po. =)


[SULLI]

Miss niyo ko?



Okay. Di ko din naman kayo miss. Pwe. At ipaalala ko lang sa inyo, akin lang si Kai.

Bale eto na nga, papunta ako ngayon sa hospital kung saan nakaconfine sila Kris at Kyungsoo. Nag aalala ako syempre.

NAG AALALA AKO!

PATI BA NAMAN KAYO SISISIHIN AKO SA NANGYARE SA PUNYEMAS NA KRIS AT KYUNGSOO NA YAN.

WALA AKONG KINALAMAN.

KUNG MERON MAN, EDI SANA NILAHAT KO NA SILA.




DEJK.

Pero totoo. Wala akong kinalaman. Hindi ko akalain na mangyayare ito. Pero feeling ko, may nag sset up sa akin. Hindi ko lang alam kung sino.

At naiirita ako. Ako? Ako pa ang kakalabanin ng kung sino? Hindi ba nila ako kilala.

Ikaw. Oo ikaw. Ikaw na nagbabasa nito. Kapag nakilala mo kung sino talaga ako, matakot ka na. Lumayo ka na sa pagmamay ari ko.

Nakarating na ako sa Hospital, hindi na ako nag abala pang dumaan sa dorm ng EXO. Galing kasi ako sa kompanya ng Mommy ko. May branch kami dito sa Korea.

Iisa isahin ko pa ba kung saan pa yung iba? Mainggit lang kayo. Tss.

Didiretso na sana ako sa kwarto nila Kris nang mahagip kong may naglalandian sa tabi.

Si Luhan at Kylie.

Tss. Di pa rin nagbabago. Malandi pa din. Pwe.

At *ting~

May naisip akong magandang idea. Syempre para sakin, maganda yun.

Para sa inyo, panget yun. Tutal, ang panget ng mga taste niyo.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko sila. Mukhang magandang issue to.

Hindi ko na sana sila papansinin at didiretso na ko pero biglang napatingin sakin yung malandi.

Nagandahan ata sakin. Nyemas. Ganda ko kasi.

Inirapan ko lang sya at nagpatuloy ng maglakad nang bigla syang tumayo at hinarangan ako.

Aba, aba.

"Bastos ka ba? Kita mong daanan yan, haharang harang ka dyan?" (¬_¬)

Napansin kong namamaga ang mata nya at namumula ang ilong niya. So anong ganap nito? Paawa?

Dededmahin ko na sana sya pero bigla akong nakatanggap ng..


*PAK*


SAMPAL.

HOW. DARE. YOU. BITCH.

"So gusto mong gumawa ng eksena dito? HA?!" Sigaw ko sa kanya at lumapit na parang nag aaya ng away. Pero di lang sya natinag.

Nakatingin lang sya sakin ng sobrang galit at sinampal ulit ako.


PUTANGINA.


Sasampalin ko na sana sya nang bigla akong pinigilan ng hayup na Luhan na ito.

"Bitawan mo ko."

Pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Humihigpit ang hawak niya sa kamay ko at tinignan ko sya ng masama.

"Kulang pa 'yan." sabi ni Kylie. Tinitigan ko lang sya na parang gusto ko na syang patayin.

He's the Man, She's the Boss /HIATUSWhere stories live. Discover now