[3]

31.7K 751 101
                                    

A/N: mobile lang po ang gamit ko. Pagpasensyahan na po ang typos. Yung mga gusto po ulit magOP, imessage niyo ako sa official account ko. Nagpost po ako sa group. ;)

Fact: Lee Teuk is the leader of the group "Super Junior' because he is the oldest among them.

Enjoy the update! :*

[3]

[3RD POV]

"Hindi ko naman sinasadyang saktan ka noon. Please.. Love me again.. I love you.." sabi ng babae sa kabilang linya.

Nag-uusap sila sa pamamagitan ng cellphone pero hindi alam ng lalaki na tanaw lang sya ng babae sa kanyang sasakyan.

'Ganun pa rin sya. Kahit na maraming nagbago sa kanya, hindi pa ring makakaakilang sya pa rin yun. Sya ang lalaking nagmahal sa akin pero sinaktan ko lang..' isip ng babae habang tinititigan ang lalaking kausap niya sa telepono.

"Sorry."

Isang salita lamang iyon pero halos gumuho ang mundo ng babae. Ang tagal niyang hinintay ang panahon na ito. Pero wala..

Tuluyan na syang umiyak habang nakatitig pa rin sa lalaking kanyang pinakamamahal.

"Bakit? Mahal kita. Sabi mo mahal mo ko di ba?! Mahal kita. Mahal na mahal kita!!"

"Mahal mo ako? Bakit? Dahil nagbago na ako? Mahal kita pero dati yon. Hindi na ngayon. May bago na akong mahal. So please. Stop this shit." sabi ng lalaki. Nagulat naman ang babae nang biglang binaba ng lalaki ang telepono at tumingin sa kanya.

'Matalino nga sya. May mahal na iba?' Isip nito. Nagulat sya nang bigla syang talikuran ng lalaki. Hindi niya pwedeng pakawalan ito. Hinding hindi na.

Binuksan nya ang pinto ng kotse niya at hinabol ang lalaki. Hindi sya nabigo sa paghabol dito. Sinunggaban niya agad ito ng yakap sa likod na nagpatigil sa lalaki sa paglalakad.

"Kevin.." saad ng babae habang nakayakap sa lalaki. Hindi niya alintana na maraming nakakakita sa kanila. Wala syang pakealam.

Pilit na tinatanggal ng lalaki ang kamay na nakapulupot sa kanya pero lalo lang itong hinihigpitan ng babae.

"Let go." saad lang ng lalaki pero humigpit lang lalo ang kapit ng babae.

"No. I won't."

"Let go."

"No!"

"I said, Let Go!"

At buong lakas na kinalas ng lalaki ang kapit ng babae sa kanya. Tuluyan ng umiyak ang babae.

Akmang aalis na ang lalaki nang kumapit sa braso niya ang babae.

"I love you, Kevin. Please come back to me.." iyak ng babae. Ngunit hinarap lang sya nang lalaki at tinitigan sa mata.

"I don't love you anymore. So please.. Stop. I don't want to hurt you anymore." sabi ng lalaki ng walang emosyon habang hawak hawak ang magkabilang balikat nito.

"You're lying!"

Hindi na lang sya pinansin ng lalaki at tinalikuran na lang sya nito.

"Is it her?"

Napatigil naman ang lalaki sa sinabi ng babae at napasmirk.

"Bakit ba laging sya? Hindi ba pwedeng Mahal kita, mahal mo ko, at pabayaan na lang sila? Bakit ba lagi na lang sya? Ano bang meron sya na wala ako? Ha?!!" sigaw ng babae sa kanya.

"It's just that.. I love her and I don't even know why.." napangiti naman ang lalaki habang sinasabi ito.

"Pero hindi ka niya mahal!"

He's the Man, She's the Boss /HIATUSWhere stories live. Discover now