[11]

22.4K 644 31
                                    

[11]

(a/n: Wala munang facts for today.)

This chapter is dedicated to An Jel! Thanks for the beautiful cover! :**

[3RD]

Kanina pa pabaling baling si Kylie sa kama niya habang nakatakip ang unan sa mukha niya. Hindi niya alam ang gagawin.

Kanina pa tumatawag sa kanya si Teuk. Muli nanamang nagring ang phone niya at tinapon na lang niya iyon sa sofa sa gilid niya.

“AIIIIISSSHHHH!” Umupo siya sa kama niya at ginulo ang buhok niya. Tumingin siya sa paligid niya. At napatingin siya sa orasan niya.

1:30 PM na at napag-isipan ni Kylie na huwag na lang magtraining ngayon dahil dinalaw siya ng katamaran at ayaw niyang makita si Teuk ngayong araw na ito.

Humiga na lamang siyang muli ngunit nagring naman ang telephone sa gilid niya. Pilit niyang inaabot ang telephone hanggang sa nagwagi siya sa pag-abot dito.

At laking gulat niya nang boses ng Papa niya ang marinig niya.

“Hello Pa, bakit po?” tinatamad niyang tanong sa Papa niya.

[Wala ka pa daw dito? Hindi ka ba magttrain?]

“Ah.. Eh.. Ano.. Hehehe..” Napakamot na lang si Kylie. Wala siyang maisip na palusot.

[Anak, pwede ba kong humingi ng favor?]

“Favor po? Ano po?”

[May ipapakilatis lang ako sayo. I think kilala mo sila. Punta ka na dito ha. You have 30 minutes.]

“Pero Pa! Hindi pa po ako nakaka----“ Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Kylie ay binabaan na siya ng papa niya.

[KYLIE]

Ano ba naman yan. Padalos dalos naman si Papa. Paano na ‘to? Di pa ko nakakaligo. -___-“

Hindi na lang ako maliligo. -__- Hindi naman nila ako aamuyin. Dapat nga ako pa ang umamoy sa kanila. -__-

Bahala na nga. Nakaskinny jeans lang ako at nakasweater habang dala dala lang yung phone ko. Di na ako nag-abalang magdala ng bag.

Bumaba na ako. Pumunta muna ako sa kusina para uminom.

Pero bakit ganun? Parang ang lakas ng kutob kong may mangyayaring masama.

Pero.. alam niyo naman, may pagkafeelingera ako.

So, hindi ko na lang pinansin.

He's the Man, She's the Boss /HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon