chap 4 "pretensions"

95.9K 1.2K 193
                                    

“Things we lose have a way of coming back to us in the end, if not always in the way we expect.” 

― J.K. Rowling, Harry Potter and the Order of the Phoenix

 

Yung feeling na nasa net café ka pa din. Ang awkward mag post ng UD. Dahil may nakatingin sa likod TT___TT

 

Hahahhaha anyways, it’s okey as long as maka post ako ng UD. Hehehe ^__^ sorry sa typos. I love you all. Enjoy ^_^

______________________________

Chapter 4 “pretentions”

[RAVEN’s POV]

“Nami??”

O_____O <//3

Di ako maaaring magkamali. Si stupid girl tong nasa harap ko. Kanina pa ako kinukutuban nong nakita ko ang picture nya sa application form. I just told myself na baka kamukha lang pero ngayong kaharap ko na siya, alam kong siya to.

Halos malaglag na ako sa kinauupuan ko. Pero ang mga luha ko ang nalaglag. Limang taon akong naghintay. Limang taon akong nangulila. Limang taon akong pilit na makalimot pero di ko magawa.

Hawak hawak ko ang magkabilang balikat nya habang nanginginig ang buong katawan ko sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

I stared at her. Alam kong siya to. Yun ang sinasabi ng puso ko. Ang mukha nya, ang boses nya, ang mga mata nya, hinding hindi ko makakalimutan ang mga yun. Kahit maikli na ang buhok nya alam kong sya to. Ramdam kong sya to.

“Sir, di po ako si Nami. Julia Cortez po.”

Pinikit ko ang mga mata ko dahil boses palang alam kong siya na. Pero bakit sinasabi niyang di siya si Nami?

Binitawan ko sya at agad na tumayo palapit sa kanya. Then I hugged her so tight. Ngayon ko lang naramdaman na tumibok ulit ang puso ko ng ganito.

Ramdam kong pilit nya ako tinutulak palayo. The more she pushed me away, the more I pulled her close. I waited for five years to feel this again.

“Stupid girl, ba’t ngayon ka lang? Ang tagal kitang hinintay.” Yakap yakap ko pa rin siya at tulo pa rin ng tulo ang luha ko.

Alam kong parang nababaliw na ako. Kitang kita ko ang bangkay ni stupid girl noon. Tapos ngayon? Naniniwala ako na ang babaeng to ay si Nami? Yun kasi ang sinasabi ng puso ko. Di ko maintindihan.

“Sir, di po ako makahinga. Hindi ko po kayo maintindihan.”

Bawat salita nya parang pinapatay ako. Kaboses nya talaga si stupid girl. Pero imposibli namang maging siya si Nami diba? Limang taon ng patay si stupid girl. Baka magkamukha lang talaga sila. I breathe deeply then I let go of her and wiped my tears away without looking at her.

MRB II: &quot;COME BACK TO ME&quot; (SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIBPC)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum