chap 19 "what we needed"

81.6K 1.1K 176
                                    

“This is what we call love. When you are loved, you can do anything in creation. When you are loved, there's no need at all to understand what's happening, because everything happens within you.” 

― Paulo Coelho, The Alchemist

 

ITO NA ANG UD! ENJOY MRBians :*

 

______________________________

Chapter 19 “what we needed”

[RAVEN’s POV]

Tsssssss. Bakit nandito na naman ang mga gagong Mendez nato? Bumabalik sa isipan ko ang lahat ng sakit ng nakaraan just by seeing their faces.

Bumalik na kami sa court dahil magsisimula na naman ang laro.

Tiningnan ko ang mga Mendez and they just smiled at me. And I gave them death glares. Naglakad palapit sa akin ang tatlo. At bigla nalang nagsilapitan ang Black Knights sa akin.

 

“Wooaaa Wooaa, basketball ang lalaruin natin hindi suntokan.” Farley.

Binabalot na ng galit ang buong Sistema ko.

“Bakit nagpakita ka pa?” I tried to sound calm.

“Wala na ba kaming karapatang magpakita?” sabi nito habang nakangiti na nakatingin kay stupid girl.

Susuntukin ko na sana kaso pinigilan nila ako.

“Idaan nalang natin sa basketball to Raven.” Lance.

“Wag masyadong seryoso.” James.

“Kahit idaan pa natin sa impyerno to, di ko kayo uurungan.” I said without hesitation. Akala ko natuto na sila sa nangyari noon. But they’re back, and it means they’re gonna ruin our lives again. Which is SHIT! Kung kailan maayos na ang lahat.

Then the referee blew the whistle.

Nasa kalaban ang bola. Hawak hawak ito ni Farley.

 

“Why so serious hahaha” Farley.

“Tsss. Nagpakita ka pa talagang gago ka!”

 

Bigla itong nakalusot at ipinasa ang bola kay Lance. Buti nalang at naagaw ni Raidon ang bola and shoot, 2 points!

Nang nasa gitna na kami ng laro, biglang humabol ang Andrada Knights sa amin. Lalo na nong na e shoot ni Prince ng 3 points ang bola.

“SHIT!” Garrette.

“2 points lang ang lamang nila.” Sabi ko kay Garrette.

MRB II: "COME BACK TO ME" (SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIBPC)Where stories live. Discover now