Chapter 13

990 26 0
                                    

PATRICK'S P.O.V.

Bakit kasi di ko na-lock yung pinto?!

Ang tanga ko talaga.

Pati sa kanya, nagpapakatanga ako.

Lalaki din ako.

Yung mga tingin ni Joshua sa kanya, alam ko ang ibig sabihin.

Pero nananahimik lang ako.

Hinahayaan ko siya.

Kasi alam ko, nasaktan ko si Lex at nagbalik siya.

Sana nga lang hindi niya ko agawan.

At sana lang, pag dating ng panahon ako ang piliin ni Lex.

"Kuya, nag-iisa si ate Alex dun. Puntahan mo na" -Rafael

Kaya bumaba na ko.

Naabutan ko siya sa may swing.

Nakaupo habang nakayuko.

Nung lumapit ako, nakita ko yung pagpatak ng luha niya.

Pero, anong iniiyakan niya?

"Here" -Ako

Saka ko inabot sa kanya yung panyo.

Kinuha naman niya.

"Bakit ka umiiyak?" -Ako

Tumawa siya.

"Wala. May naalala lang ako" -Lex

"Palagi namang ganyan eh. I know you're lying" -Ako

"Wag mo nang pansinin. Sige, magkwento ka pa about sa sarili mo para may maisulat ako" -Lex

Umupo ako sa tabi niya.

Saka ko sinimulan ang magkwento.

"I'm an accidental baby." -Ako

Napatingin si Lex sakin.

"What do you mean?" -Lex

"Hindi nila sinasadya na mabuo ako. That's what they told me. My dad was drunk and he doesn't know what he's doing. Kaya aksidente na nabuo ako. Sa di inaasahang pagkakataon. Kaya siguro ganito ako. Puro pagkakamali ang nagagawa ko" -Ako

Yeah.

Aksidente lang ang pagkabuo ko.

Pero tinanggap ko yun.

Kasi ang importante sakin, minahal nila ako at inalagaan.

"Nung mabuntis si mommy, pinanagutan naman siya ni Daddy. They got married. Ilang years. Ilang years din silang hindi nagkasundo. I was so young before, pero nakikita ko na ang pag-aaway nila. Wala akong magawa nun kundi umiyak. Bata ako eh. Ano bang maitutulong ko? Baka mas makagulo lang ako. Kaya sa twing mag-aaway sila, tatakbo na lang ako sa kwarto at magtatago. Habang nagtatakip ng tenga at umiiyak. I'm scared. Takot ako na, baka masira ang pamilya ko sa ganung age ko. Parang di ko kaya" -Ako

Bata pa ko.

Pero anong dadatnan ko diba?

Na lumaki akong seperated ang parents ko?

So, cliché.

"Oo sa mga business parties magkasundo sila. Pero lahat nang yun panggap lang. Pakitang tao lang sila. Halos walang oras o segundo yata na hindi sila magkasundo. Iniisip ko na lang, na that's how they love each other. Sabi nga nila "the more you hate, the more you love". Ganun na lang ang iniisip ko. Hanggang sa dumating yung kinakatakutan ko. Ang maghiwalay sila" -Ako

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now