Chapter 33

730 21 0
                                    

AUBREY'S P.O.V.

Nandito ako ngayon kina Kyla.

Kung titignan siya, okay na siya at sobrang saya na niya.

Kwinekwento niya sakin lahat ng mga nangyayari sa buhay nila ni Patrick ngayon.

It's been a year since they were engaged.

And it's been a year since everyting happened.

"Grabe AC, di ko talaga akalain na dadating yung araw na magiging masaya ako ng ganito. Na, mamahalin din ako ng taong mahal ko. Grabe AC, alala ko sa panaginip na lang mangyayari 'to. Pero hindi. Isa itong panaginip na nagkatotoo. Sobrang saya ko AC, sobra pa sa sobra" sabi ni Kyla habang ngumingiti

Masaya ako kasi finally, masaya na ang pinsan ko.

Oo, umamin na si Patrick.

Na mahal niya din si Kyla.

Sabi niya mahirap daw paniwalaan pero yun ang totoo. Kasi hindi naman daw mahirap mahalin si Kyla.

"Can I ask you something?" Tanong ni Kyla sakin

"Go on." Sagot ko

"Hindi ka ba masaya para sakin?" Tanong niya

Natahimik ako sa tanong na yan.

Ang totoo kasi niyan, masaya ako para sa kanya kaso tuwing magkwekwento siya, di ko maiwasang malungkot para kay Alex.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Kyla.

"I am happy for you" sagot ko sa kanya

"But your eyes tell me not" sabi niya

Kahit kailan talaga, hindi nagsisinungaling ang mata.

"Kyla, the truth is. Masaya ako para sayo. Masaya ako na, sa wakas mahal ka na din ng taong mahal mo. Na finally, napansin ka na din niya at nasa 'yo na ang puso niya. Natutuwa ako Kyla, really. But the thing is, paano niyo nagagawang magsaya lalo na at alam niyong may naaapakan kayong iba? Na nagagawa niyong ngumiti at tumawa, pero alam niyong may umiiyak dahil sa inyong dalawa. Paano Kyla?" Tanong ko

Natahimik siya. Alam naman niyang si Alex ang tinutukoy ko.

"Aubrey, ever since I loved him. Ever since I suffered a lot, I cried so many times, at ilang beses akong nagparaya. Since then, I always think of what is the best for them. I always think of what will make them happy. Hindi pa ba sapat ang mga 'yon? Hindi pa ba sapat ang mga pasakit ko noon? Wala ba kong karapatang sumaya? Hindi ba pwedeng maranasan ko naman ang mahalin ng taong mahal ko?" Sunod sunod na tanong niya

Wala akong maisagot. At some point, tama din naman kasi si Kyla.

"Pero paano si Alex, Kyla? Paano naman siya?" Tanong ko

Pero nagulat na lang ako ng ibang tao ang sumagot.
-----------

PATRICK'S P.O.V.

"Pero paano si Alex, Kyla? Paano naman siya?" Tanong ni Aubrey kay Kyla

Kanina pa ko nandito at pinapakinggang sila.

Pero sa tanong na yan, hindi ko na kinaya kaya ako na ang sumagot kay Aubrey.

"Paano si Alex? Bakit? Naisip ba ni Lex kung paano na lang pag may nakilala akong iba at maging masaya? Naisip ba niya na baka isang araw mapagod na lang ako at makahanap ng taong mamahalin ko, at mas mamahalin ako? Hindi ba niya na-realize na baka dumating ang araw na ayoko na sa kanya at mawalan na lang siya sakin ng halaga? Tapos ano? Ngayon na masaya na ko kay Mika, ang kapakanan ni Lex ang isusumbat niyo sa kanya? Bakit? Hindi ba na-realize noon ni Lex lahat ng yan bago siya bumitaw at mang-iwan?" Sunod sunod na sabi ko

Second Chance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon