Chapter 29

823 19 0
                                    

HYRA'S P.O.V.

Nandito kami ngayon sa Pub.

Reunited, eyy.

Pinapagalitan namin si Patrick.

Nakagawa na naman kasi siya ng bagay, na baka sa huli pagsisihan niya lang.

Bakit ba naman kasi naglihim kung pwede naman niya sabihin? Hindi yung kung kelan huli na ang lahat, saka niya lang aaminin.

"Pat, bakit mo mas piniling saktan siya?" Tanong ni Rhea

"Rhea, alam mo, mas gugustuhing ko pang saktan siya ngayon. Kesa yung makita ko siyang magdusa ng mahabang panahon" sagot ni Patrick

"Pero brad, makakaya mo ba yun?" Tanong ni Jolo

"Kakayanin ko. Para sa kanya, brad. Makakaya ko. Makita ko lang siyang masaya, okay na ko. Kahit masakit, na sa piling ng iba na siya masaya tatanggapin ko, para sa kanya." sagot ni Pat

"Nandito lang kami dude. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami" sabi ni Terrence

"Dude alam mo namang hangga't maaari ayokong makaabala ng ibang tao. At ayokong problemahin niyo din ang problema ko" sabi ni Patrick

"Pre, magkakapatid tayo. Hindi ka iba samin." Sagot ni Renzo

"Para namang wala tayong pinagsamahan niyan. Nandito lang kami. Para san pa at naging magkakaibigan tayo diba?" Sabi naman ni Brian

"Yeah right" sabi ni Chezka

Na katabi si Brian.

Ganito kasi yan.

Nandito kami sa kabilang sofa.

Ganito posisyon namin.

Lance---Ako---Rhea---Kaye

Tapos sa kabilang sofa naman sa harap namin ganito sila.

Renzo---Chezka---Brian---Lyle

Bantay sarado si Chezka eh. Haha.

Past, present, at kapatid ang katabi niya.

Tapos sa dalawang upuan naman sa side, sina Jolo, Darren at Patrick.

Ganyan.

"Bry, alis pala kami. Pupuntahan namin si Lex." Sabi ni Chezka

"Yeah. Anong oras na pala?" Tanong ko

"Malapit na mag 9:00 bhessy" sagot ni Chezka

"Hindi. Oras na para mahalin mo ulit ako" singit ni Renzo

Kaya tumingin kami lahat sa kanya.

Lalo na si Brian.

Parang nag-aaway sila sa mga isip nila.

"Haha. Galing mo magbiro Renzo. Hahaha" sabi ni Darren

"Hindi din. Oras na para mag-move on ka. May mga bagay na kapag iniwan mo na, kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik pa. Gaya ng pagmamahal ko sayo. Sinayang mo. Kaya wag kang umasa na mamahalin pa ulit kita. Dahil tama na ang dalawang beses akong nagpakatanga sa taong walang ibang ginawa kundi paasahin ako sa wala." sagot ni Chezka sa kanya

"Boom, basag" sabi ni Jolo

"Basted brad. Laughtrip. Hahahaha" sabi naman ni Darren

"Wala ka na talagang pag-asa. Hahaha" pang-aasar ni Patrick

"Watch your words Renzo Gabriel. Kapatid ko yan. Wag mo ng guluhin. Masaya na siya. Naiintindihan mo ba? Bro's before hoes dude. Watch out. Bilang nakakatandang kapatid, ayokong nakikitang umiiyak at nasasaktan na naman siya. Kahit magkakapatid ang turingan natin dito at kahit magkaibigan tayo, hindi kita palalampasin kung si Chezka na ang pinag-uusapan dito. Blood is thicker than water. At siya ang kadugo ko." Seryosong sabi ni Terrence

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now