Chapter 38

736 25 0
                                    

KYLA'S P.O.V.

Anong oras na ng gabi pero hindi pa din ako makatulog.

Hindi ko alam kung bakit. Basta kahit anong gawin ko, di ako makatulog.

Kahit ipikit ko ang mga mata ko.

Uminom din ako ng sleeping peels. -_- Pero walang effect sakin.

"Bakit ba kasi ganito na ang nangyayari?" Tanong ko sa sarili ko

Lumabas ako, at tumambay sa terrace ng kwarto ko.

Saka ako tumingin sa langit.

Ang liwanag ng buwan. Kasing liwanag ng pagmamahal ko sa kanya.

Yung mga bitwin, kumikinang. Kaso parang pagmamahal ko sa kanya. Mukhang hindi ko siya maabot kahit anong gawin ko.

Minsan, nagdududa ako. Kung talaga bang mahal niya ko.

Kung talaga bang nakalimutam na niya si Alexandra o hindi pa.

Hindi kasi maalis sakin ang mabahala. Simula ng bumalik si Alex.

Sinusubukan ko namang gawin o ituring na normal lang ang lahat.

Pero, hindi ko maaalis na si Alex ang naging pinakamalaking naging parte ng buhay ni Patrick.

Ang hirap kalabanin siya. Ang hirap maging siya. Ang hirap talunin siya. Lalo na sa puso niya.

Ano pa ba ang pwede kong gawin? Hanggang saan pa ba ang kaya kong isakripisyo?

Pero higit sa lahat. Kaya ko pa nga ba?

*Phone Rings

Narinig kong nag-ring ang phone ko, kaya agad akong pumasok at sinagot ang tawag.

"Hello Pat? Bakit ka napatawag? Anong oras na ng gabi ah?" Sabi ko

Si Patrick kasi yung tumawag.

"Eh Kyla, pasensya ka na. Pumunta kasi si Patrick dito sa Bar, tapos sunod sunod na dumating ang barkada. Nagkatuwaan. Ayun, nalasing sila" sagot ni Renzo

"You mean, the C-WARRIORS?" Tanong ko

Baka kasi kasama na naman niya si Alex eh.

"No. Heartthrob Warriors lang ang nandito. Eh kung pwede sana, ikaw na lang sumundo kay Patrick. Tinawagan ko na din yung ibang girls para puntahan 'tong mga iba." Sabi ni Renzo

Ano pa nga ba? He's my fiancè. Dapat ko siyang alagaan.

Ngayong nasakin pa siya.

"Sige. Magpapalit lang ako" sagot ko

"O sige. Salamat Kyla. Pasensya na" sabi ni Renzo

"Okay lang. Sige" sagot ko

Saka na ko nagpalit at kinuha ang susi ng sasakyan ko.

*

*beep beep*

What the Hell!?

Magpapakamatay ba 'to!? Tch.

"Excuse me ho! Padaan naman! Nagmamadali ako. Kung magpapakamatay ka, wag mo kong idamay!" Sigaw ko dun sa nasa harap ko at nakaharang.

Pero hindi pa din siya umalis at nakaharang pa din ang kotse niya.

Kaya napilitan akong lumabas ng kotse ko at pumunta sa kanya.

Hindi ko alam kung sino ang nasa loob dahil gabi na, at hindi yata naka on ang lights ng kotse niya.

Second Chance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon