Chapter 44

660 18 0
                                    

AUBREY'S P.O.V.

Okay, monday na naman.

And as usual, late na naman ang professor naming ke tamad tamad magturo. Joke.

Hahaha. Pero, yung palaging LATE, totoo yon -_-

"Nakakatamad pumasok pag ganito" sabi ni Joshua

"Kelan ka ba sinipag mag-aral?" Pambabara ko

"Grabe ka naman Aubrey. Nag-aaral naman ako" sagot niya

"Haha. Tumigil na nga kayo. Di na kayo nagsawang magbangayan" sabi ni Kyla

Kaya tumigil kami.

Tapos may classmate kaming biglang lumapit samin.

"Oh, ano ka ngayon Kyla? Balita ko umayaw daw si Patrick sa kasal niyo? Haha. Ikaw kasi ang assumera mo. Asa ka namang papatulan ka niya. Haha." Sabi niya

Saka sila nagtawanan dito sa classroom.

"Hoy ikaw babae ka, bago mo lait-laitin ang pinsan kong maganda, tignan mo muna kung perpekto ka! Manalamain ka at makikita mo ang kapatid ni Kokey!" Sigaw ko sa kanya

Nagtawanan ang mga kaklase namin.

Pero si Kyla, nakayuko lang.

"Eh ikaw?! Tignan mo nga! Mukha kang patay! Ang puti mo masyado, para kang walang dugo!" Sagot niya sakin

Aba 'tong babaeng 'to naghahanap ng gulo.

"Eh ikaw!? Kaya pala palaging makulimlim, kasi hiyang hiya ang mga ulap sa kapal ng pulbo jan sa pagmumukha mo! Mukha kang harina!" Sagot ko

Nakakinit ng dugo, jusko po.

"Kapal ng mukha mo!" Sigaw niya

At akmang sasampalin ako, pero si Kyla ang nasampal niya

Nanlaki ang mata ko.

Tumayo kasi bigla si Kyla, kaya siya ang nasampal.

"Oh! Serves you right b*tch!" Sabi pa ng babaeng yun

Putek sarap patayin!

"Umalis ka na ngayon sa harapan ko, bago pa ko makagawa ng bagay na pagsisisihan mo" sabi ni Kyla

Pero nakayuko siya habang sinasabi yan.

"Oh, I'm so damn scared!" Sagot ng mate namin

Oh no. The side of Kyla na once in a blue moon lang lumalabas.

This is WAR.

"Wag mo kong subukan" sabi ni Kyla

At inangat na niya ang ulo niya.

"Akala mo masisindak mo ko jan!? No!" Sigaw sa kanya ng classmate namin

At sasampalin niya sana si Kyla, pero nahawakan ni Kyla ang kamay niya.

"Sa susunod na idadapo mo ang kamay mo sa makinis kong mukha, mag-alcohol ka muna. Dahil ayokong mabahiran ng bacteria ang maganda kong mukha." Sabi ni Kyla

Saka niya binitawan ang kamay ng babaeng yun at sinampal.

"How dare you slap my oh so beautiful face!?" Sabi ng babae habang hawak hawak ang mukha niya.

"And how dare you insult me infront of these people!?" Sigaw ni Kyla

Sumigaw si Kyla.

She's really mad now.

Second Chance (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang