Chapter 30

836 19 0
                                    

KYLA'S P.O.V.

Pumayag ako.

Pumayag akong subukan niya kahit one last time daw.

Pag hindi pa din daw siya pumayag, talagang susuko na siya.

*flashback

Nandito kami ni Patrick sa bahay nila.

Dinalaw ko lang siya.

Pati pala dito sa bahay nila si Alex ang kilala. Pati kapatid niya si Alex ang gusto.

"Mika, alam ko gago ako pag ginawa ko 'to. But Mika, can you give me one more chance para subukang balikan siya? One last time Mika, one last time." Sabi ni Patrick

Nag-aalangan ako.

Kasi baka pumayag na si Alex this time at ako na naman ang maiwan.

Pero, ayoko namang ipagkait ang makakapagpasaya sa kanya.

Sino ba naman ako para pigilan siya diba?

"Sige. Okay lang. Total, hindi pa naman alam ng iba na engaged tayo. Family pa lang naman natin at ang barkada mo." sagot ko

Pero sa totoo lang, natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari.

Natatakot ako na baka iwan na naman niya ko, at iba na naman ang piliin niya.

Ang hirap kasi yung pagdaanan yung paulit-ulit kang sinasaktan at paulit-ulit na nangyayari sayo ang bagay na ayaw mong mangyari.

"Mika, sigurado ka ba? Kung ayaw mo, okay lang naman sakin eh" sabi ni Patrick

I smiled and held his hands.

"Okay lang talaga Pat. Malay natin balikan ka na niya diba? Atleast hindi pa tayo masasaktan ng todo, diba? Kasi may chance pa na mahalin ka niya ulit. May chance pa na balikan ka niya ulit. At may chance pa na makahanap ako ng iba. Yung kaya akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya" sagot ko

"Mika" sabi ni Patrick

Nagets niya yata ang ibig kong sabibin dun.

"Wag mong intindihin ang sinabi ko. Sige na. Okay lang" sagot ko

"Hintayin mo ko dito. Magpapalit lang ako tapos ihahatid na lang kita" sabi niya

"Sige." Sagot ko

Yinakap naman niya ko bigla.

Sana Patrick, mahalin mo di ako gaya ng pagmamahal ko sayo.

"Salamat Mika. Sobra na ang sakripisyo mo. I know, in time masusuklian ko din yon" sabi niya

"Okay lang. Sige na. Magpalit ka na" sabi ko

Tumango siya at umakyat na ng kwarto.

Nakaupo lang ako dito ng biglang lumitaw sa harap ko ang kapatid niya.

"Bakit ikaw ang mapapangasawa ng kuya ko?" Tanong niya

Mukhang ayaw niya talaga sakin kahit anong gawin ko.

"Ah. Hindi ko din alam eh. Siguro, kasi mahal ko siya" sagot ko

Saka ako ngumiti sa kanya.

"Pero hindi ka niya mahal. Diba dapat pag nagpakasal ang dalawang tao, yun ay dahil sa mahal nila ang isa't isa? Hindi yung napipilitan lang" sabi niya

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now