Chapter 32

776 26 0
                                    

JOSHUA'S P.O.V.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Alex.

Binabantayan siya habang natutulog.

Natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin, ulit.

Kwinento niya sakin ang nangyari.

At sabi niya kasalanan daw niya kung bakit.

Kasi wala na daw siyang ibang ginawa kundi ang saktan si Patrick.

Ni hindi niya daw alam na ganun ang kalagayan ni Pat.

Dahil kung alam lang daw niya yun, sana hindi na lang niya iniwan si Patrick.

Oo, masakit. Masakit marinig yun mula sa taong mahal ko.

Yun bang kahit anong gawin ko para sa kanya, hindi niya ko kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya kay Patrick.

Na hindi ko siya mapasaya gaya ng ginagawa ni Patrick.

Na kahit anong gawin ko, kahit anong pagpupumilit ang gawin ko, even though I tried so hard, I will never ever be Patrick.

At ang mas masakit, wala man lang akong magawa para mabawasan ang sakit na dinadala ni Alex ngayon.

Alam niyo yun? Yung sobrang wasak na wasak siya, pero wala akong magawa para maayos siya.

Kasi hindi naman talaga ako ang kailangan niya eh.

Si Patrick. Siya ang kailangan niya. Siya ang makakaayos sa kanya. Siya kasi ang mahal niya.

Naalala ko na lang kanina pagdating ko dito.

Kung di ako dumating, siguro hospital na naman ang destinasyon ni Alex.

*Flashback

May dala akong bulaklak at chocolates. Dadalawin ko si Alex.

Namiss ko kasi siya eh. Tsaka, balak ko siyang sorpresahin.

"Nay, si Alex po?" Tanong ko

"Ah eh. Nasa kwarto niya anak. Hindi pa bumababa. Hindi pa nga kumakain eh" sagot ni Nay

Si Alex? Hindi pa bumababa at kumakain? Why?

"Ah sige po. Akin na po ang susi ng kwarto niya. Ako na lang po ang kakausap sa kanya" sabi ko

"Eto anak oh. Salamat" sabi ni Nay

Saka niya binigay sakin ang susi ng kwarto ni Alex.

Tapos umakyat ako at binuksan ang kwarto ni Alex.

(A/N: Now Playing Realize by Colbie Caillat)

Take time to realize
That your warmth is
Crashing down on in

Pagbukas ko ng pinto, napatakbo agad ako sa kanya.

"Alex ano ba! Akin na nga yan!" Sigaw ko

Saka ko inagaw sa kanya ang blade na hawak niya.

Take time to realize
That I am on your side
Didn't I, didn't I tell you

"Akin na yan! Dapat lang sakin 'to! Kulang pa 'to kumpara sa mga sakripisyong ginawa ni Patrick. Kulang pa 'to kumpara sa mga pasakit na dala niya. Kulang pa!" Sigaw ni Alex

Saka siya umiyak.

Si Patrick na naman.

But I can't spell it out for you
No it's never gonna be that simple
No I can't spell it out for you

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now