JOSHUA'S P.O.V.
Papunta sana akong bar nila Renzo.
Oo kilala ko siya. Magka-batch din kasi kami. Pero, di kami close.
Papasok na sana ako sa pinto kaso may nakabangga ako.
"S-sorry" sabi ni
Kyla?
At nakita kong dumudugo ang braso niya.
Bago pa siya makaalis ng tuluyan, hinila ko siya at halatang nagulat siya.
"Joshua?" Gulat na tanong niya
Tinignan ko ang braso niya.
"Anong nangyari diyan?" Tanong ko
Pero yumuko lang siya at nagpunas ng luha.
"Ah ano. Uhm. May nasagi lang ako jan sa loob. Ah. Bitawan mo na ko Joshua. Kasi ano. Uhm, nagmamadali ako" sabi niya
Nauutal-utal pa siya habang sinasabi yan.
Kailan pa natutong magsinungaling ang isang Kyla Mikaela Perez?
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko
Hindi ako kumbinsido sa una niyang sinabi eh.
"Ha? Ah, eh kasi. Ano. Uhm, medyo masakit yung sugat kaya ako umiyak. Oo, tama! Yun nga. Yun nga ang dahilan. Hehe" sagot niya
"Sinungaling. Di bagay sayo" sabi ko
Yumuko lang siya at hindi na sumagot.
"Halika sa loob. May aid kit doon. Gamutin natin ang sugat mo" sabi ko
Pero hinila niya ko.
"Ah ano! Joshua, ano. Wag na. Ayoko diyan sa loob" sabi ni Kyla
Kaya mas lalo akong nagduda. Alam kong may nangyari kaya ganyan na naman siya.
"Si Patrick ba?" Tanong ko
Hindi siya sumagot.
"So, siya nga?" Tanong ko ulit
Hindi pa rin siya sumagot at nanatiling nakayuko.
"Halika na. Tapusin na natin 'to" sabi ko
Saka ko siya hinila papasok sa bar.
At tama nga ako. Si Patrick na naman ang dahilan.
Sila na naman ni Alex ang dahilan.
Oo, aaminin ko. Kahit sinabi kong sinukuan ko na si Xandra, mahal ko pa rin siya.
Mahal na mahal na mahal ko siya, at kahit kailan hindi yun nagbago.
Pero, anong silbi ng paghihintay ko?
Anong silbi ng lahat ng sakripisyong ginawa ko?
Kung lahat ng ginagawa ko, para sa kanya wala lang.
Hindi niya pinapahalagahan. Para san pa na lumaban ako?
Kung ibang tao naman ang pinaglalaban ng taong mahal ko?
"Kaya ka ba umiiyak?" Tanong ko
Tumango lang si Kyla at nagpunas ng luha.
"Bakit di ka lumaban? Diba mahal mo siya?" Tanong ko
"Mahal ko siya Joshua. Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Pero, ang tanong ko Joshua. Mahal niya ba talaga ako? O, minahal niya lang ako kasi nawala ang nakaraan niya?" Tanong ni Kyla
![](https://img.wattpad.com/cover/53610904-288-k347942.jpg)
YOU ARE READING
Second Chance (Completed)
Teen FictionAccepting someone in your life for a second time isn't the only thing that second chances entail. Likewise, this could every so often entail yet another opportunity to try to warmly welcome someone genuinely new. Story Started: November 05, 2015 Sto...