Ending Part 2

1.2K 21 0
                                    

ALEX'S P.O.V.

1 week ng di nagpapakita at nagpaparamdam si Kyla.

Ang balita namin ay, pumunta siya sa ibang bansa kasama ang pamilya niya.

Para daw makalimot siya sa mga nangyari dito.

Habang nagpapalipad kami ng mga puting lobo dito sa lamay niya, di ko maiwasang alalahanin ang mga alaala ko.

~~FLASHBACK~~

Ang sakit ng tuhod ko. Ang tanga ko kasi. Nadapa pa ko.

"Bata okay ka lang?" Tanong ng isang batang lalake

"Tanga ka ba? Nakita mo na ngang may sugat ang tuhod ko, tapos nadapa ako, tatanungin mo ko kung okay lang ako!?" Sigaw ko

Shunga lang kasi ganun diba?

Wala ba silang commonsense!?

"Haha. Ang lakas naman ng boses mo. Halika, tutulungan kita" sabi niya

Tapos, biglang may batang babaeng dumating.

"Patrick, galit ka ba dahil sa sinabi ko?" Tanong nung batang babae

Patrick pala pangalan ng lalaking 'to.

"Kyla, pwede ha? Para na kitang kapatid." Sagot nung Patrick

So, Kyla ang pangalan ng batang babae.

"Sino siya?" Tanong nung Kyla

"Hindi ko din alam. Tinulungan ko lang siya" sagot nung Patrick

"Kyo. Yun ang pangalan ko" sagot ko

Sinungaling ka talaga Alex.

"Ah. Ang cute naman" sabi nung Patrick

"Patrick, sana naman hindi mo makalimutan ang mga pinagsamahan natin" sabi nung Kyla

Tapos tumakbo na siya paalis.

"Di mo siya hahabulin?" Tanong ko kay Patrick

"Hindi. Huhupa din yan." Sagot niya

"Pero, malay mo hindi mo na siya mabalikan" sabi ko

Ngumiti siya.

"Hindi. Mababalikan ko siya. Sinisigurado ko yan" sagot niya

Tapos, ngumiti siya at ginamot ang sugat ko hanggang sa dumating si Yaya.

~~END OF FLASHBACK~~

Yun ang unang beses na pagkikita naming tatlo.

Pero, ang tanga ko kasi hindi ko agad nakilala si Kyla.

~~FLASHBACK~~

5 years old na ko. Birthday ko.

Syempre ang bisita ko mga kaibigan ko.

Ang SIX-C, tapos yung iba, kasama ni Daddy sa business.

Palagi namang ganyan eh, kaya sanay na ko.

Tapos, may lumapit saming batang lalake.

Pamilyar siya. Saan ko ba siya nakita?

"Hi!" Bati niya saka niya ko nginitian

"Kilala mo siya?" Tanong ni Hyra

"Huh? Oo?" Sagot ko

Pero di ako sigurado eh.

Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now