Prologue

800 15 9
                                    

Hi! Ako si Zyril Joy Montemior, 4th year high school sa The Author's Academy. Di naman masyadong sikat yung school na yun, gaya ko, ayaw ko ng atensyon. Ayaw ko ng maraming mata ang nanunuod sa bawat galaw ko, nakakairita lang sa pakiramdam.

Kaya nga ako ay isang "Invisible girl" sa school namin, di ako sumasali sa programs, contests at iba pang extra sa school. Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pag-aaral para di naman sabihin ng mahal kong mga magulang na wala na akong ibang tutunguhin sa buhay.

Nga pala, nakasalamin ako ng makapal na makapal at hanggang shoulder ang buhok ko ngayon. Ayaw ko nga kasing napapansin ako lalo na ng mga lalaki sa school. Ewan ko ba sa kanila, di ko na nga pinapansin at talagang nasa sahig lang palagi nakatingin ang mga mata ko at napapansin pa din ako, siguro dahil sa manang kong fashion taste, eh bakit ba?! Eh ito gusto ko eh.

At last na bagay nga pala, may boyfriend ako, yup, kahit ganto ako may pumapatol pa din sa akin pero secret lang yun. Zichie ang pangalan niya, o diba bagay kami, parehas Z ang start ng name HAHAHA. Actually naniniwala ako na kami na talaga hanggang sa huli, bata pa lang kami puppy love ko na yan eh. 5 years na din kami at sa tagal na iyon ay wala pa dun yung pinagsamahan namin nung bata.

At ang last na thing na talaga ay, si Zichie...

Ang Boyfriend Kong Bakla  >.<

____________________________________________ 

COMMENT. VOTE. SHARE.

THANKS!

Ang boyfriend kong baklaWhere stories live. Discover now