ABKB#7- E-Seniors

215 7 2
                                    

Zyril's POV

Ang kapal talaga ng mukha nun, ang kapal niya para utusan akong gawin itong pinapagawa niya sa akin. 

HAH! Akala niya gagawin ko ito?! 

No way. 

Not here. 

Not ever.

"Dali na kasi muse ko! Para rin naman to sa section natin eh" naka-pout pa na sabi niya.

"Ang kulit mo no, diba sabi ko sayo ayaw ko ngang maging muse mo, stop calling me 'muse ko' it's embarrassing." lumingon ako sa paligid ko nung narealize kong nagi-english ako, buti wala masyadong tao.

Nilingon ko ulit tong mahangin nato "At isa pa, di nga ako marunong kumanta, di mo ba naiintindihan iyon?"

"Itatry mo lang naman." Tumingin din siya sa paligid namin "Kumanta ka ngayon and I'll judge you. Tutal wala namang tao. We'll change that kapag hindi talaga pwede" 

Nandito kami sa music room, hinila niya lang ako nung nasa nakita niya akong naglalakad mag-isa pabalik ng room. Si Zichie? Nag-pahuli eh, I dunno kung nasan na. 

"Ayoko nga. Pagtawanan mo pa ako, maghanap ka na lang kasi ng iba mong muse. Isa akong nerd kaya sigurado nang matatalo tayo"

"Mas maganda kapag simple, unique. Tsaka yung maganda sa inyo, secretary na eh" nanghihinayang na sabi niya. ABA!

"Si Trishia? Oo nga. Pero bakit hindi na lang si Shane?"

"Ayaw ko nun, masyadong assumer" natawa naman daw ako, siya lang kasi ang kauna-unahang lalaki na tumanggi kay Shane, tinignan niya ako kaya napaseryoso ulit ako.

"You laughed?" manghang tanong niya.

"Hindi ah, may napasok lang na langaw sa bibig ko" he just chuckled. 

Ang epic ng reason mo, Zyril *imaginaryfacepalm*

"Ano na? Kakanta ka na ba?" tanong niya na naka-taas yung kilay. Anong feeling niya? Nagpapakain siya ng baby? HA!

"No" sagot ko.

"Muse ko?"

"Ayaw ko nga eh"

"Kanta ka na muse ko." tinignan ko siya ng masama. 

Ang landi talaga, ito ata ang bakla eh. Bumukas yung pinto at iniluwa non si Zichie.

Syempre nagulat ako, feeling ko nagtataksil ako. 

"Kailangan na kayo, magsisimula na ang debate" sabi niya tapos umalis din siya agad kaya sinundan ko na agad, naramdaman ko namang sumunod din yung mahangin na lalaki.

"Basta kakanta ka muse ko ah" parang batang nagpapabili ng laruan na sabi niya nung nasa tabi ko na siya. Nasa harap naman namin si Zichie.

"Shut up" sagot ko at sumunod na lang kay Zichie.


Nang makaraing na kami sa venue, medyo madami ng tao.  

"Ang ingay naman dito" mahinang sabi ko.

"Ang saya kaya" sagot niya.

"Wag ka ngang sumagot di kita kausap" sabi ko kay, ano ba kasing pangalan nun? Nakalimutan ko talaga. 

Nandito sa gym lahat ng senior officers at ang ingay nilang lahat. 

Ang boyfriend kong baklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon