ABKB#2- Weird

464 12 2
  • Dédié à Kim Toribio
                                    

This is Zichie Rai Sarmiento.

__________________________________

*KRING KRING*

Hay salamat at breaktime na din. 

Medyo nakaka-ewan yung sunod-sunod na major subjects yung naunang tatlo.

"Tara na" sabi ni Curtney na nauna ng maglakad, gutom na to panigurado.

Sumunod naman ako sa kanya. Kinuha ko yung handkerchief ko sa bulsa ko kaso nalaglag yung ballpen ko. 

Pupulutin ko na sana kaso may pumulot, nang tignan ko siya ay nag-init nanaman ang dugo ko. Inabot niya yung ballpen ko at syempre kinuha ko iyon nang paagaw. At umalis na ako.

"Di man lang nag-thank you. Tsk" sabi ni Zichie, yah, si Zichieng bakla na nakakairita.

Sasagutin ko sana kaso "Zyril! Tara na baka dumami na yung tao sa canteen!" sigaw ni Curtney mula sa labas ng room, adik talaga to. 

Inirapan ko na lang yung bakla dun tsaka lumabas.

Nang makita ko si Curtney, binatukan ko. "Bat mo pinagsisigawan ang maganda kong pangalan?"

Narinig ko siyang nag-tsk at nauna na ulit maglakad.


*CAFETERIA*

"Ang dami na tuloy tao, ang bagal kasi eh" sermon ni Curtney dahil gutom na talaga yan. 

Kasalukuyan kaming nakapila sa mahabangggggggg pila at nagsisiksikan na talaga sila at parang di kami umaalis sa pwesto namin. 

"Sorry ah!" sabi ko sa  kanya "Silipin ko lang yung mga pagkain para di na tayo matagalan" at umalis na ako.

Pumunta ako sa may area ng pagkain at nandun pala sila Shane "Anong gusto mo? Treat kita" rinig kong sabi niya kay... O.O Zichie?!

"Umh. No thanks. Ge, pipila muna ako." Aalis na sana siya kaso hinawakan siya ni Shane sa braso na nilingon naman niya at... O.O ngumiti? ABA SUMUSOBRA NA TALAGA!!

"W- wag ka n-na pumila-a. I-ililibre na l-lang kita oh." TSK TSK, sige lang. Iertentain mo lang yan, good luck sayo. 

Napatingin naman siya sa gawi ko at ngumiti O.O kaya bigla ako umayos at nagkunyaring naghahanap nang masarap na pagkain.

"Okay. Ikaw na mamili" rinig kong sabi nung bakla pero ramdam ko na nakatingin pa rin siya sakin. Tinignan ko sa pheriperal view ko at tama ako.

"Yan si Zyril. Ang weird niyang pumorma no? Nerd kasi eh" sabi ni Shane at nagtawanan sila. 

Tinignan ko sila "Hello Zy!" sabi ni Mika, barkada ni Shane, ngumiti lang ako "Musta na ba sa kumbento?" sabi ni Charly at nagtawanan sila, nakangiti naman si Zichie.

"Yea, She look weird and I like weirds." Sabi ni Zichie ng nakangiti at nakatingin sa dalawa kong mga mata. Kunot noon at gulat naman na nakatingin sila Shane dahil sa sagot ni Zichie. 

Naramdaman ko naman na ng- iinit yung mukha ko.

"Oh, yung order niyo" sabi nung tindera at nung umalis sila ay umalis na rin ako. Maya maya din ay nakakain na kami ni Curtney at yung table nila Shane ay nasa gilid lang nung usually table namin at parehas kaming nasa gilid ni Zichie kaya minsan nakakatinginan kami.

Ang boyfriend kong baklaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant